Volunteer frontliners sa MIDCC negatibo sa COVID-19

Imahe mula sa Manila LGU
  • Negatibo sa COVID-19 ang mga frontliners ng Manila Infectious Disease Control Center (MIDCC) sa Maynila
  • Inilunsad ang MIDCC sa Sta. Ana Hospital noong isang buwan bilang bahagi ng paghahanda ng Lungsod ng Maynila sa pandemic
  • Malaki ang pasasalamat ng Manila Mayor Isko Moreno sa mga staff ng MIDCC dahil tinanggap nila ang hamon na magsilbi sa bayan sa kabila ng panganib sa kanilang kalusugan

Magandang balita – nagnegatibo sa COVID-19 test ang lahat ng mga frontliners ng Manila Infectious Disease Control Center (MIDCC) ng Sta. Ana Hospital sa Maynila.

Imahe mula sa Facebook | MPIO

Sa isang post ng Manila Public Information Office ay ibinahagi nila ang balitang ito. “Tuloy ang laban para sa mga frontliners ng MIDCC ng Sta. Ana Hospital matapos mag-negatibo ang kani-kanilang resulta sa COVID-19,” anila.

Lahat ng staff ng kanilang staff ay sumailalim sa swab testing upang masigurado ang kanilang kalusugan matapos na mangalaga sa mga pasyenteng pinaghihinalaan at positibo sa virus.

Nakapagsasagawa ang MIDCC ng 30 swab tests araw araw simula nang mailunsad ito noong isang buwan. Mayroon din 33 kwarto roon.

Nagpasalamat ang pamunuan ng Sta. Ana Hospital sa mga staff ng MIDCC na matapang na ginagampanan ang kanilang tungkulin sa kabila ng banta ng pandemic.

Imahe mula sa Manila LGU

“Tinanggap nila ng buong-loob ang hamon laban sa isang kalaban na hindi nakikita. Ito ay isang nakakapagod na mandato at trabaho, ngunit araw-araw nila itong hinaharap. Salamat sa Diyos sa mga mapagkawang-gawang mga mandirigma [laban sa COVID-19]!”

Nang pasinayaan ang MIDCC ay ipinangako ng alkalde na ipananalangin niya ang mga manggagawa sa MIDCC dahil batid niya ang bigat ng responsibilidad ng mga ito.

“Alam ko po na hindi magiging madali ang bigyan ng agaran at sapat na medical attention ang mga magiging pasyente natin na mga taga-Lungsod, ngayon pa lamang maraming salamat na sa inyo at sa inyong pamilya,” aniya.

Salamat sa ating magigiting na frontliners!

Loading…