Wala nang warning sa mga violators, dadamputin na lang kapag nagpatupad ng Martial Law-like ECQ

  • Wala nang warning na ibibigay ang PNP sa mga violatoprs kapag nagpatupad ng Martial Law-like ECQ
  • Ang Martial Law-like ECQ ay ipatutupad kung patuloy pa rin na hindi sumusunod sa stay-at-home order ng gobyerno ang publiko
  • Naghahanda na ng mga detention facilities para sa violators ang PNP

Wala nang warning-warning para sa mga mahuhuling lumalabag sa mga patakaran ng enhanced community quarantine (ECQ) kung sakaling magpatupad ang pamahalaan ng mala-Martial Law na lockdown.

Screenshot mula sa GMA video

“Kung ito ay matutuloy, it will really be full implementation of the law and wala na tayong warning, diretso na tayo sa arest0,”pahayag ni Philippine National Police (PNP) chief General Archie Gamboa.

“So kung talagang tutuluyan ito, we can charge them of so many violations existing ngayon against Bayanihan Act No. 11332 then meron pa ‘yung Revised Penal Code. Siguro magpakita dapat ang publiko na mag-behave sila para hindi ito matuloy,” sabi pa niya.

Ang naging pahayag ni Gen. Gamboa ay kaugnay ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pulisya at militar na humanda sa pagpapatupad ng social distancing at curfew kung patuloy na lalabagin ng publiko ang quarantine guidelines.

Anang Pangulo, Martial Law-like ang ECQ na ipatutupad kung patuloy pa rin ang pagiging pasaway ng mga mamamayan na hindi sumusunod sa stay-at-home order ng gobyerno.

Imahe mula sa UNTV

Sa tala ng PNP, umabot na sa 130,000 ang bilang ng mga lumabag sa quarantine guidelines at ang 96,000 sa kanila ay binigyan lang ng warning at ang iba naman ay pinagmulta lang. Ito ay dahil siksikan na sa mga detention facilities ng bansa.

Inatasan ni PNP Chief Gamboa si National Capital Region Police Office chief Brigadier General Debold Sinas na maghanda ng mga pasilidad para sa mga mahuhuling ECQ violators kung sakaling ipag-utos ng Pangulo ang martial law-like lockdown.

Source :

ABS-CBN, YouTube

Loading…