Walang klase hanggang Disyembre; iminungkahi ng UP expert upang masawata ang pagkalat ng COVID-19

  • Pagpapaliban ng klase hanggang Disyembre, ipinanukala ng UP expert
  • Isa umano itong epektibong paraan upang limitahan ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 infection sa  bansa
  • Nilinaw ni Roque na wala pang desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa panukala ng UP expert

Iminungkahi ng isang eksperto mula sa University of the Philippines (UP) na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase sa lahat ng antas ng edukasyon hanggang sa buwan ng Disyembre ng kasalukuyang taon upang masawata ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Imahe mula sa Xinhuanet

Sa isinagawang press briefing sa Malacañang noong Martes ng hapon, ika-21 ng Abril, sinabi ni Dr. Alfredo Mahar Lagmay, ang Executive Director ng UP Resilience Institute at UP NOAH Center, na batay sa model na inihanda ng UP COVID-19 Pandemic Response Team ang suspensyon ng klase hanggang Disyembre ay epektibong paraan upang limitahan ang  pagtaas ng bilang ng COVID-19 infection.

Base doon sa mga model, kapag tayo ay walang klase hanggang December, at ito po ay nirerekomenda, ay malaki ang maibabawas natin sa transmission ng COVID-19,” anang UP expert.

Lumalabas sa pag-aaral ng mga dalubhasa sa UP na pinakamataas ang social interaction ng mga taong ang edad ay 0-19 na nasa 56 percent. Sumunod naman ang nasa edad 20 hanggang 39 (29%), 40 hanggang 59 (13%) at 60 pataas (2%).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, may isa namang grupo ng mga eksperto ang nagsabi na kung susundin ang suhestyon ng UP experts, mangangahulugan ito na walang bagang doktor, nurses at iba pang medical professionals ang makakapasok sa workforce ngayong taon kung ipagpapaliban ang pagbubukas ng klase sa Disyembre.

Imahe mula sa ASEAN Post

“Malaki po ang maitutulong sa pagbagal ng pagkalat ng sakit kung isu-suspinde ang mga klase hanggang college level. Although, meron din isang eksperto na nagsabi kagabi na ‘aalahanin po n’yo na kapag sinuspend n’yo ang klase wala ring medical students na maga-graduate’ sa panahon na kailangan din natin ng mga medical graduates, tsaka ‘yung mga nursing graduates,” sabi ni Roque.

Nilinaw ni Roque na wala pa namang desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa panukala ng UP experts.

 

Loading…