Willie Revillame, makikipagtulungan kay Mayor Isko Moreno upang maabot ang mga naapektuhan ng COVID-19

Imahe mula sa YouTube | Wowowin
  • Handang makipagtulungan ang Wowowin host na si Willie Revillame kay Manila Mayor Isko Moreno sa gitna ng krisis na kinahaharap ng bansa dahil sa COVID-19
  • Magpupulong ang dalawa upang pag-usapan kung paano sila makatutulong
  • Paalala naman ng alkalde, magtiwala ang mga mamamayan na ginagawa ng pamahalaan ang kanilang makakaya upang masugpo ang COVID-19 at gampanan nila ang kanilang parte sa pamamagitan ng pananatili sa kanilang tahanan

Makikipagtulungan ang Wowowin host na si Willie Revillame kay Manila Mayor Isko Moreno upang matulungan ang mga naapektuhan ng COVID-19.

Imahe mula sa YouTube | Wowowin

Sa kaniyang panayam kay Mayor Isko ay tinanong ni Willie kung ano pa ang maaari niyang maitulong sa lungsod. “Ang dami kong naiisip na gawin para tumulong sa inyo na hindi ko kailangang humingi… Gagawa tayo ng paraan. Siguro one day, I’ll talk to you, hihingi ako ng meeting sa iyo, ano ang puwede nating gawin,” aniya.

Tinanong niya rin ang alkalde kung ano ang puwedeng gawin ng mga ordinaryong mamamayan upang makatulong sa gitna ng krisis.

“As a human being, ‘wag nating baguhin ang ating mabuting ugali dala ng krisis. Ang Pilipino ay kilala sa buong mundo na may malasakit sa kapwa, may pagmamahal sa kapwa, at may paggalang sa kapwa,” tugon ng alkalde.

Habang wala pang gamot sa COVID-19, makatutulong din daw ang pananalig sa Diyos at maging sa pamahalaan.

Imahe mula sa Manila Public Information Office

“Ang totoo, hindi sapat ang ginagawa naming lahat. Totoo, kulang. Ang totoo rin, walang nakapaghanda at may kakayanan ngayon ultimo [ibang mga] bansa. Ang solusyon, patuloy tayong maniwala na ang gobyerno ay patuloy na ginagawa ang kaniyang tungkulin,” aniya.

Sa kanilang parte naman, dapat na sumunod ang mga mamamayan sa mga bilin ng pamahalaan. “Simple lang naman: social distancing, quarantine, protect your family by protecting yourself,” sabi ni Mayor Isko.

“Kapag pinroteksyunan mo ang sarili mo, mapoproteksyunan mo ang pamilya mo, at mapoproteksyunan mo ang kapitbahay mo, at ang komunidad.”

Source :

YouTube, GMA News

Loading…