‘You are my first and last true love’: Alex Gonzaga may sweet na birthday message para sa fiancé

Imahe mula sa Instagram | Alex Gonzaga
  • May sweet na mensahe ang aktres na si Alex Gonzaga sa fiancé niyang si Mikee Morada na nagdiriwang ng kaniyang kaarawan
  • Sinabi niyang ito ang kaniyang ‘first and, by God’s Grace, last true love’
  • Kalakip din nito ang kanilang larawan isang araw matapos na mag-propose sa kaniya ang nobyo sa Hong Kong noong Disyembre 2019

Tinawag ni Alex Gonzaga na “first and, by God’s grace, last true LOVE” ang fiancé na si Mikee Morada sa kaniyang birthday greeting para rito.

Imahe mula sa Instagram | Alex Gonzaga

Kalakip nito ang kanilang larawan isang araw matapos na mag-propose sa kaniya si Mikee sa Hong Kong. “This was the morning after Mikee proposed to me. For two days, he ate breakfast alone or with Uncle because I was still asleep with my mom,” pagbabalik-tanaw ni Alex.

“But of course after niyang mag-propose ako pa gumising sa kaniya para manggulo sa breakfast niya.”

Nagpasalamat din si Alex sa nobyo dahil ipinaranas nito sa kaniya ang isang tunay na relasyon.

“Happy birthday, Mikee! Thank you for not demanding anything from me and yet you always give me what I want. Thank you for making me feel what it really is to be in a relationship,” aniya pa. “You will always be my first and by, God’s grace, last true LOVE.”

Imahe mula sa Instagram | Alex Gonzaga

Matatandaang nasaksihan ng mga magulang ni Alex ang proposal ni Mikee sa aktres noong Disyembre 27, 2019 sa Hong Kong. Isinapubliko lamang nila ang engagement noong kaarawan ni Alex noong January 16, 2020.

“Thank you for all your birthday greetings! I feel LOVED. Thank you, Jesus!” ani Alex  noon sa caption ng larawan kung saan makikitang suot niya ang engagement ring.

Ibinahagi niya rin ang video na nagpapakita kung paano nag-propose si Mikee sa kaniya.

“The short clip of what happened in Hong Kong. I love you, @mikee_mo. Wala ka nang kawala kay Gonzaga!”

Loading…