Zayn Malik at dating kasamahan sa One Direction, nagkaayos na; mga fans umaasa sa isang reunion project

  • Mukhang tuloy na ang reunion ng British boyband na One Direction
  • Nagkaayos na raw kasi ang mga miyembro nito at naka-follow na sa account ni Zayn Malik
  • Matatandaang naging biglaan ang pag-alis ni Zayn sa grupo noong 2015

Memorable para sa mga fans ng One Direction ang nangyaring pagkakawatak ng grupo. Matatandaang may concert sana sa Pilipinas ang 1D sa bansa noong 2015 pero hindi sila kompletong nagtanghal dahil hindi dumating si Zayn Malik. At ilang linggo matapos ang hindi pagsipot sa concert, kinumpirma na ng kampo ni Zayn na wala na siya sa grupo.

At ilang taon matapos ang pagkakawatak-watak ng One Direction, isang masayang balita ang dumating ngayon sa mga fans dahil magkakasundo na raw ang dating boyband members. Ayon sa ilang avid fans, naka-follow na raw sa Twitter sina Liam Payne, Louis Tomlinson, Harry Styles, Niall Horan kay Zayn.

Larawan mula sa Flickr

Maging ang official Twitter account ng One Direction ay naka-follow na kay Zayn, dagdag sa kanyang nakalululang 28.5 million followers. Bagama’t hindi pa umano nagfa-follow back si Zayn sa mga dating kasamahan, umaasa silang gagawin din ito ng singer sa mga susunod na araw.

Dahil dito, lalong na-excite ang fans sa nilulutong One Direction, One Decade anniversary. Nauna nang sinabi ng miyembro nilang si Liam na mayroong iniluluto ang One Direction para sa kanilang fans kahit na may sari-sarili na silang career.

Hindi naging malinaw ang pahayag ni Liam sa naging pahayag ngunit maraming fans ang umaasa na isang malaking surpresa ito sa kanilang ika-sampung taong anibersaryo mula nang madiskubre sa singing reality show na X-Factor UK.

Lalong nabuhayan ng pag-asa ang kanilang fans dahil sa mapakikinggan nang muli ang lahat ng album ng 1D sa iba’t ibang digital streaming platforms at gumagana nang muli ang official website ng isa sa pinakasikat na banda ng dekada 2010s.

Larawan mula sa Wikipedia

Agad ring nag-trending sa Twitter ang topic na #1DOnlineConcertStayAtHome bilang pakiusap sa kanilang mga idolo na magsagawa ng isang online reunion performance dahil mayroon pa ring banta ng C0VID-19 sa mundo.

Hinihintay na rin ng fans ang magiging official statement ng management ng One Direction tungkol sa kanilang anniversary surprise. Sa ngayon ay nakaantabay ang fans sa susunod na magaganap sa pagkakaayos ng grupo.

Source :

MTV, Billboard

Loading…