18th year anniversary ng original Spider-Man movie na pinagbidahan ni Tobey Maguire, ipinagdiwang ng fans

  • Ipinagdiwang ng fans ang ika-18 taon ng original Spider-Man movie na pinagbidahan ni Tobey Maguire
  • Ayon sa fans, sariwa pa sa alaala nila kung paanong binuo ng pelikula ang kanilang kabataan
  • Hinangaan din nila ang mahusay na pagganap ni Maguire bilang ang friendly neigborhood

Sino ba naman ang hindi na-hook na comic fans sa ginawang Avenger movies nitong mga nakaraang taon. Pinag-usapan lalo na ang dalawang huling installment, kabilang na ang opisyal na pagsali ni Spider-Man sa samahan ng mga Marvel superheroes.

Pero bago ang phenomenal na Avengers, una munang naging matagumpay at minahal ng fans ang unang live action ng comic character na si Spider-Man. Pinagbidahan ito ng actor na si Tobey Maguire at nananatiling siya si Spider-Man sa maraming fans.

Larawan mula sa YouTube

Pagpasok nga ng Mayo, isa sa mga ipinagdiwang ng fans ngayong 2020 ay ang ika-18 taon mula nang masilayan sa big screen ang friendly neighborhood at paboritong superhero na si Spider-Man. Ayon sa fans, kahit mayroon nang mga bagong Spider-Man movies na lumabas, nananatiling astig para sa kanila ang 2002 film.

Marami ang humanga sa mahusay na pagganap ni Tobey bilang si Peter Parker aka Spider-Man kaya naman nagkaroon pa ng ikalawa at ikatlong installment ang kanyang adventures. Maituturing din na isang makasaysayan ang paglabas ni Spidey dahil ito ang isa sa pinakamalaking pelikula matapos ang World Trade Center o 9/11 attack sa Amerika.

Matapos ang malaking krisis na ito, nanumbalik ang sigla sa mga manonood at kumita ang pelikula ng tinatayang $40 million sa loob ng isang araw at kabuuang $821 million sa buong mundo. Kaya naman marapat lang na ipagdiwang ang anibersaryo ng pag-asa at astig na kabataang hatid ng pelikulang ito.

Sa social media na lamang muna idinaan ng fans ang kanilang pagdiriwang sa anibersaryo ng pagganap ni Tobey bilang Spider-Man.

Larawan mula sa YouTube

Ayon sa kanila, ang pelikulang ito raw ang nag-level up ng action at superhero movies dahil sa magandang kuwento at pagkakagawa nito.

Inalala naman ng mga batang 2000s ang kanilang panggagaya sa moves ni Spider-Man lalo na raw ang makapigil-hiningang train scene. Mayroon daw clip nito sa YouTube na binabalik-balikan nila.

Sa ngayon, si Tom Holland ang gumaganap bilang Spider-Man at nagbida na sa dalawang solo movies at ang nakasama sa Avengers movies.

Loading…