25 weeks pregnant: Coleen Garcia ipinakita ang baby bump

Imahe mula sa Instagram | Coleen Garcia
  • Ipinasilip ni Coleen Garcia ang kaniyang baby bump ngayong 25 weeks pregnant na siya
  • Kuwento niya, nag-eenjoy siya sa kaniyang pregnancy lalo na ngayong madalas nang sumipa ang kaniyang ‘little one’
  • Kamakailan lamang nila inanunsyo ng asawang si Billy Crawford na magiging mga magulang na sila ngunit Disyembre pa siya nagdadalantao

Ipinakita ni Coleen Garcia ang kaniyang baby bump ngayong 25 linggo na siyang nagdadalantao.

Imahe mula sa Instagram | Coleen Garcia

Sa isang Instagram post ay sinabi niyang nae-enjoy niya ang kaniyang pagbubuntis. “25 weeks and I am in love with my bump. Even though the little one kicks so much, it makes me kind of queasy,” pagbabahagi niya.

“I still find it amusing and nakakakilig. Enjoying every step of this journey,” dagdag niya.

Kamakailan lamang inanunsyo ng mag-asawang Coleen at Billy Crawford na magiging mga magulang na sila. “And just like that, we’re going to be parents. I can’t even express the joy of this day! I’ve been waiting to scream it out to the world,” sabi ni Billy sa isang Instagram post kalakip ang larawan kung saan nakahawak siya sa baby bump ni Coleen.

Imahe mula sa Instagram | Coleen Garcia

Pagbabahagi niya, matagal na niya itong ipinagdarasal ngunit ang naging sagot sa kanila noon ay “not yet.” “Fast forward to today, and God has blessed us in His perfect timing,” aniya.

Ayon kay Coleen, unang bahagi ng taon nang malaman nilang buntis siya ngunit Disyembre 2019 niya pa pala ito dinadala. Biro pa ni Billy nang i-anunsyo nila ito, “We’re five months in so it’s not an ECQ baby.”

“Thank you my everything @coleen for bearing with me cause everyone knows I’m the actual pregnant one! You’re still sexy, gorgeous, gassy but classy,” sabi ni Billy.

Nagpasalamat din si Coleen sa kanilang mga kaibigan na nagdasal at nangumusta sa kanila. “We’re beyond grateful for this huge blessing! God is always so good.”

Loading…