Gladys Guevarra, naniniwalang hindi kailangan ng mass testing

Imahe mula sa Facebook | Gladys Guevarra
  • Nagpahayag ng ‘di pagsang-ayon si Gladys Guevarra sa mga kasamahan sa industriya na nananawagan ng mass testing sa gitna ng COVID-19 pandemic
  • Aniya, vaccine ang kailangan at hindi mass testing
  • Ang gagamiting pondo para sa mass testing, sana ay ilaan na lamang daw sa pagbibigay ng tulong para sa mga kababayang pinakanangangailangan

Hindi sang-ayon ang komedyanteng si Gladys Guevarra sa opinyon ng ilang mga kasamahan sa industriya na kailangan ng mass testing sa panahong ito ng pandemic.

Imahe mula sa Facebook | Gladys Guevarra

“Ang daming artista na umaapela ng MASS TESTING. Opinyon ko ito ha… Naisip ko lang naman din. Ano ba kasi ang magagawa ng mass testing? Eh kahit mag-mass testing, kung wala pang naiimbentong vaccine, anong gagawin? Isusupot ‘yung mga infected?” paliwanag niya.

Itinanong niya rin kung makalalabas na ba ang lahat kung sakaling magkaroon ng mass testing. “Baka ba pag nalaman natin kung sino mga infected, pwede na lumabas, tapos ihiwalay yung mga pila at nakalagay, ‘Pila ng mga infected’ at ‘Pila ng hindi infected.’ Ganire ba?”

Dagdag pa niya, kahit mga first-world countries ay hirap din na labanan ang virus.

Sa halip na maglaan ng pondo para sa mass testing, palagay raw niya ay mas makatutulong kung ibigay ito sa mga nangangailangan.

Imahe mula sa Facebook | Gladys Guevarra

“‘Pag nagpa-mass testing, maglalabas uli ng malaking halaga ang gobyerno para sa kits? At maghihintay tayo ng matagal na results? Imbes na ‘yang pondo nakatutulong ngayon sa pagkain pangkalahatan, lalo ng mas nangangailangan, ‘di ba?”

Maraming netizens ang sumang-ayon kay Gladys.

“Tama naman, ma’am. May punto ka po. Hindi po dahil dumaan ka sa mass testing at nag-negative ka ay hindi ka na pwedeng mahawa,” komento ng isa.

“Useless ang mass testing kung magsisilabasan din after ng swab test…Waste of time and money lang ‘yan. Disiplina is the key,” ani N. Eugenio.

Isa sa mga artistang naniniwala sa kahalagahan ng mass testing ay si Angel Locsin. Kamakailan lamang ay nagsimula siya ng fundraising upang makatulong sa mass testing efforts ng bansa.

Source :

Facebook

Loading…