80’s love teams, nag-reunion para sa online music video na “That’s Quarantainment”

  • Trending sa social media ang reunion ng That’s Entertainment l0ve teams para sa isang online performance
  • Tinawag itong That’s Quarantainment sa pangunguna nina Janno Gibbs, Manilyn Reynes, Romnick Sarmenta, at Sheryl Cruz
  • Kasama rin nila ang iba pang That’s stars na sina Ramon Christopher, Tina Paner, at Kempee de Leon

Dahil sa naka-quarantine ang malaking bahagi ng mundo dahil sa banta ng C0VID-19, uso tuloy ngayon ang mga online show na kinatatampukan ng mga paborito nating artista at performers. Hindi naman ito imposible dahil sa panahon ng internet, mobile device at computer lang ang kailangan ay maaabot na ang mga fans.

At dito sa Pilipinas, maraming artista rin ang gumagawa ng paraan upang patuloy na aliwin ang kanilang fans. Ang pinakahuling pinag-usapan online ay ang reunion ng classic l0ve teams ng bansa.

Sa pamamagitan ng Instagram account ng nag-iisang King of S0ul na si Janno Gibbs, nagsama-sama ang mga iconic na tambalan ng That’s Entertainment.

Larawan mula sa Instagram post ni Janno Gibbs

Pinamagatang “That’s Quarantainment,” itinanghal nina Janno at katambal na si Manilyn Reynes ang kantang ‘Nothing’s Gonna Stop Us Now na pinasikat ng bandang Starship. Kasama nina Janno at Manilyn ang ka-l0ve triangle nilang si Kempee de Leon sa nasabing video.

Nakiawit din ang tambalang Tina Paner at Ramon ‘Monching’ Christopher. Kilig at surpresa naman ang hatid ng isa sa pinakasikat na tambalan sa Pinoy showbiz na sina Romnick Sarmenta at Sheryl Cruz sa paglabas nila sa nasabing online music video.

Feeling nostalgic naman ang maraming netizens lalo na ang mga avid fan ng That’s sa nakaka-good vibes na reunion ng mga sikat na tambalan noon. Ayon sa fans, wala pa ring kupas ang mga ito at mga talented pa rin.

Habang isinusulat ang balitang ito, mayroon nang higit 45,000 views ang reunion ng That’s l0ve teams. Ang ilang fans nga, inuulit-ulit ang panonood sa muling pagsasama-sama nila kahit sa pamamagitan lang ng kanilang camera sa bahay.

Larawan mula sa Instagram post ni Janno Gibbs

Maging ang ilang celebrities ay hindi napigilang magkomento at humanga sa online performance na ito. Ang It’s Showtime host at former Streetboys member na si Jhong Hilario ay sinabing natutuwa siyang makita ang kanyang mga ‘lodi’ sa isang proyekto.

Sambit naman ng ibang fans, sana raw ay more projects na katulad nito dahil marami pang 80’s love team ang hindi nakasama. Nagpasalamat din sila kay Janno na nakaisip ng reunion project.

Panoorin ang ultimate thr0wback video ng That’s l0ve teams:

Loading…