Aktor na gumanap bilang Jesus Christ na si Adam Bond, gumaling na mula sa COVID-19

  • Gumaling mula sa C0VID-19 ang aktor na si Adam Bond na nakilala sa pagganap bilang si Jesus Christ
  • Nasa Malaysia raw siya para sa isang proyekto at doon nagpositibo sa C0VID-19
  • Matapos ang tatlong linggo ay bumuti ang lagay ni Adam at naging COVID-free na

Bilang isang Kristiyano, bahagi na ng pananampalataya ang panonood ng mga pelikula, TV show, at dokumentraryo patungkol sa naging buhay ni Jesus Christ. Isa itong malikhaing paraan upang malaman ang pakikipagsapalaran ng bugtong na anak ng Diyos na kapupulutan din natin ng aral.

At isa sa mga panooring sinuportahan ay ang docu-drama na Finding Jesus na ipinalabas sa CNN. Ang gumanap na Jesus sa nasabing TV show ay ang British-American actor na si Adam Bond. At ang aktor na minsang nagbigay-buhay kay Jesus ay nasubok ang pananampalataya nang makipaglaban sa C0VID-19.

Larawan mula sa Twitter

Nakapanayam ng GMA News si Adam tungkol sa kanyang karanasan at kung paano napagtagumpayan ang C0VID-19. Ayon sa aktor, nasa Kuala Lumpur, Malaysia raw siya noong Marso para sa isang proyekto nang inabisuhan siyang magkaroon ng swab test.

At katulad ng pinangangambahan, nagpositibo nga si Adam sa nasabing karamdaman. Bagaman ay asymptomatic siya, kinailangan pa rin daw niyang manatili sa ward nang mag-isa hanggang sa gumaling siya sa loob ng tatlong linggo.

Kahit na walang sintomas, naging malaking balakid kay Adam ang kalungkutang nadama nang mag-isang labanan ang C0VID-19. Lalo na pa raw nakabigat nang tawagan niya ang ina at sabihing positibo siya rito. Naging emosyonal daw ang ina niya at naawa sa anak na nasa isang bansa na wala siyang kakilala.

Sa panahon ng pagsub0k, dito naisabuhay ni Adam ang kanyang makailang ulit nang pagganap bilang si Jesus. Naging kasangga niya raw ang laging pagdarasal upang lumakas ang kanyang loob, gayundin ang kanyang pamilya na na nag-aalala sa kanyang kalagayan.

Larawan mula sa Facebook

“I prayed. It’s funny how we pray in times of need, and we have to remind ourselves to pray in times of positivity and blessings and good times,” pahayag ni Adam sa GMA News.

Sa kanyang pinagdaanan, napagtanto raw ni Adam na sa panahong ito, lahat tayo ay mga taong kailangan ng tulong at pagmamahal mula sa isa’t isa. Bawat tulong daw na maibibigay natin sa kapuwa ay malaking bagay na upang mapagtagumpayan nila ang kanilang kinahaharap na pr0blema.

Panoorin ang panayam ng GMA News kay Adam:

Source :

YouTube, GMA News

Loading…