Aktres na, hairdresser pa: Jodi Sta. Maria ginupitan ang kaniyang driver

Imahe mula sa Instagram | Jodi Sta. Maria
  • Nagsilbing barbero ng kaniyang driver ang aktres na si Jodi Sta. Maria
  • Dahil kasi sa umiiral na quarantine sa bansa ay hindi pa pinapayagang magbukas ang mga barbershop
  • Pagbabahagi ng ilang netizens, dahil sa quarantine ay lumabas din ang kanilang talento sa panggugupit

Dahil wala pang bukas na barbershop dahil sa umiiral na quarantine sa bansa ay ang aktres na si Jodi Sta. Maria na muna ang nagsilbing barbero ng kaniyang driver.

Imahe mula sa Instagram | Jodi Sta. Maria

Ibinahagi ni Jodi sa Instagram ang larawan nila ng nakangiting si Joey bago niya ito gupitan. Sabi ng aktres, “As part of our new normal, ako ang naatasang maging hairdresser sa bahay. My first victim… our ever loyal driver, Joey. Mukhang happy naman siya.”

Biro ng netizens, mukhang kinakabahan si Joey sa magiging resulta ng gupit sa kaniya ni Jodi. “Bakit may takot at kaba sa likod ng mga ngiti?” komento ng isang netizen. Ang aktres na si Ina Feleo naman, nagbirong tila maluluha na si Joey.

Ang iba pang Instagram users, sinabing handa silang maging susunod na “biktima” ng panggugupit ni Jodi.

“Ang galing… Isang Jodi Sta. Maria ba naman ang gugupit sa iyo tapos makikita pa ng milyones na followers niya. Ay, instant celebrity ang peg ni Kuya,” hirit naman ni Jorich.

Imahe mula sa Instagram | Jodi Sta. Maria

“Go, Mama Jods. For sure babagay naman sa kaniya ang new look niya. Support ka namin sa pagiging hairdresser mo,” sabi naman ni Kathlene I.

Hanga naman daw si Meriam B. sa aktres. “Ikaw na talaga ang very talented, Mama Jods. Kahit ano kaya niyang gawin.”

Pagbabahagi naman ng isa pang netizen, siya rin ang inatasang manggupit sa kaniyang nakatatandang kapatid. “I also did this to my older brother since walang bukas na barbershop and happy naman siya sa result. Dahil sa quarantine, lumalabas ang talent ko,” aniya.

Isa ka rin ba sa mga naging instant barbero dahil sa quarantine?

Source :

Instagram

Loading…