Alaala ng basic phones: Nagpadala ka rin ba noon ng picture messages at ginagawa mong wallpaper o screensaver?

  • Binalikan ng mga netizens ang panahon kung saan basic phones pa ang uso
  • Isa sa mga features nito ay ang pagpapadala ng mga picture message
  • Maaari kasi itong gawing wallpaper o screensaver ng mga basic phones, lalo ang mga Nokia phones

Ngayong maraming Pilipino na ang naka-smartphone, mas marami nang bagay ang nagagawa sa pamamagitan lamang ng ilang click. Ngayon ay hindi na kailangan ng computer upang makapag-social media. Hindi na rin kailangan ng camera upang makakuha ng larawan at video.

Pero kahit nariyan na ang mga mas hi-tech na cellphone, hindi pa rin nalilimot ng maraming netizens ang saya at alaalang naibigay ng mga basic phones. Bago kasi umuso ang mga smartphones, minsan munang pinaligaya ng mga cellphone na hindi pa colored ang maraming Pilipino.

Larawan mula sa Facebook post ni Johann Kenneth Graciosa

At sa mga basic phones na ito, kahit walang camera ay may isang uri ng ‘larawan’ na maituturing na isa sa pinakamagandang feature ng mga ordinaryong cellphones. Tinatawag ang mga ito na picture message.

Binalikan ng netizen na si Johann Kenneth Graciosa sa kanyang Facebook post ang mga nauso noong picture message. Sa kanyang lumang Nokia phone, nakalagay pa sa folder na ‘Pictures’ ang mga picture messages na hindi naman colored.

Gayunman, nauso naman ito sa mga basic phones dahil sa magagandang istilo at disenyo. Kung minsan nga ay mayroon pa itong mensahe. Madalas ding tungkol sa mga paboritong artista at cartoon character ang nilalaman ng mga picture messages.

Piso isang text ang pagpapadala ng mga picture messages. Ngunit kung naka-subscribe naman sa unlimited texting, walang bawas load ang pagpapadala nito. Uso rin na i-download ang mga ito mula sa mga network providers o mula sa paboritong TV network. Nasa 15 pesos ang pag-download ng mga ito.

Larawan mula sa Facebook post ni Johann Kenneth Graciosa

Sulit naman dahil maaari nang gawing wallpaper o screensaver ng mga basic phone ang mga binili nilang picture message. Ito na ang pinakapalamuti ng mismong cellphone noong mga panahong hindi pa uso ang libreng pag-download sa Google ng mga puwedeng wallpaper.

Dahil maraming netizens ang naka-relate sa post na ito ni Johann, agad itong nag-viral sa social media. Habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon nang halos 2,000 reactions, 400 comments, at 9,200 shares ang post tungkol sa picture messages.

Loading…