Alaala ng Pagkabata: Napanood mo rin ba ang pelikulang “Batang X” ni Peque Gallaga?

  • Isa sa mga hindi malilimutang pelikulang pambata noong 90’s ang “Batang X” na idinerehe ng premyado at batikang dikrektor na si Peque Gallaga
  • Ang limang bida sa pelikulang ito ay sina John Ace Zabarte bilang Angel “A-Gel” Arsenal,  JC Tizon bilang Bugoyo G–Boy,  Anna Larrucea bilang Trina “3-Na” De La Paz, Janus del Prado nilang Control, at si  John Prats bilang Kiko “KidLat” Arsenal
  • Nagkaroon din ito ng mga tv adaptation na umere sa TV–5 na dating ABC–5

Kung mga alaala ng pagkabata ang pag–uusapan lalo na noong 90’s, tiyak na hindi mawawala sa listahan ang mga pelikula noon na sadyang ginawa para sa mga batang manonood. Isa sa mga direktor na nakilala sa paggawa nito ay ang batikang si Peque Gallaga, na namaalam na sa mundo nitong Mayo 2020.

Bukod sa mga pelikulang “Magic Temple” at “Magic Kingdom,” isa sa mga tumatak na pelikulang pambata na idinerehe niya ay ang “Batang X” noong 1995 na nasa ilalim ng Regal Films.

Ang pelikula ay patungkol sa limang bata na may supernatural na kakayahan, na kinidnap naman ng isang alien na nagngangalang Dr. Axis upang makuha ang kanilang mga kapangyarihan.

Public Domain Image

Ang limang bida sa pelikulang ito ay sina John Ace Zabarte bilang Angel “A-Gel” Arsenal,  JC Tizon bilang Bugoyo G–Boy,  Anna Larrucea bilang Trina “3-Na” De La Paz, Janus del Prado nilang Control, at si  John Prats bilang Kiko “KidLat” Arsenal. Sa mga artistang iyan, sina Janus del Prado at John Prats na lamang ang aktibo sa showbiz.

Samantala, ang pangunahing mga kontrabida naman ay sina Aiko Melendez bilang si Dr. Axis at si Chuck Perez bilang Zygrax. Kabilang din sa cast sina Michael De Mesa bilang si Kwago, Alvin Froy Alemania bilang Freighten Kid, at Geoff Eigenmann bilang Philips.

Dahil pumatok sa takilya ang Batang X, nagkaroon ito ng adaptation bilang serye na umere sa telebisyon, sa tv network na ABC–5, (na ngayon ay TV–5) sa direksyon ni Lore Reyes, sa ilalim ng MPB Primedia.

Noong 2008, sa ilalim naman ng Unitel Productions, ay nagkaroon ng  “Batang X: The Next Generation” tuwing Sabado sa kaparehong tv network.

Public Domain Image

Loading…