Alden Richards nanawagan ng donasyon, panalangin sa nasalanta ng bagyong Ambo sa Eastern Samar

  • Asia’s Multi-media Star Alden Richards nanawagan ng panalangin at donasyon sa mga nasalanta ng bagyong Ambo sa Eastern Samar
  • Hinikayat niya ang publiko na mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng Cebuana Lhuiller
  • Ang GMA Kapuso Foundation ay nakatakdang mamahagi ng relief goods sa Eastern Samar sa May 18

Marami ang nasalanta ng unang bagyong dumapo sa bansa ngayong taon – ang Tropical Storm Ambo – na unang nag-landfall sa Eastern Samar. Apat na katao ang sinawimplad at libo-libong kabahayan ang napinsala, partikular na sa mga komunidad malapit sa mga baybayin.

Imahe mula sa Facebook account ni Alden Richards

Kaugnay nito, nanawagan ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ng mga donasyon at panalangin sa mga nasalanta sa nabanggit na rehiyon. Aniya, ang GMA Kapuso Foundation ay nakatakdang mamahagi ng relief goods sa Lunes, ika-18 ng Mayo.

Sa isang Twitter post, hinihikayat niya ang may mabubuting kalooban na mag-donate sa Foundation sa pamamagitan ng Cebuana Lhuillier.

“Yesterday, the people on the coastal towns of Eastern Samar were devastated by typhoon Ambo. Let us pray for their safety. They need our help. Relief distribution of the GMA Kapuso Foundation is set for Monday. You can still donate to GMAKF and via Cebuana Lhullier. Thank you po,” saad sa tweet ng aktor.

Kalakip ng kanyang mensahe ang ilang larawan ng mga istruktura at bahay na napinsala.

Kabilang ang bayan ng Jipapad sa Eastern Samar sa mga nagtamo ng grabeng pinsala sanhi ng bagyong Ambo na may International code na “Vongfong.”

Screenshot ng tweet ni Alden Richards

Sa larawang ibinahagi ng isang netizen na nakilalang si Philip Raymond Basilia Bote, makikitang lubog sa tubig-baha at maraming kabahayan sa Jipapad ang sinira ng bagyo.

Ang Ambo ay nasa Northern Luzon na kung saan nakataas ang storm signal number 1. Inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Lunes, ika-18 ng Mayo.

Imahe mula sa Facebook account ni Philip Raymond Basilia Bote

Loading…