Alden Richards pinag-iisipang tanggapin ang imbitasyon na sumali sa Philippine Air Force

  • Kinukonsidera ni Alden Richards na tanggapin ang imbitasyon na pumasok sa Philippine Air Force
  • Inihayag ni Alden ang plano sa ginawang pakikipagkwentuhan sa fans sa pamamagitan ng Instagram Live
  • Nagpaabot ng mensahe ng pasasalamat si Alden sa mga frontliners na nagsasakripisyo sa pagliligtas ng mga tao sa COVID-19 pandemic

Noong ika-29 ng Abril ay nakipagkuwentuhan at kumustahan ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa mga fans sa pamamagitan ng Instagram Live na pinamagatang “Kwentuhan at Kamustahan Tayo.”

Imahe mula sa Facebook account ni Alden Richards

Nabanggit niya doon na kinukonsidera niya na maging bahagi ng Philippine Air Force matapos tanungin ng isang netizen kung totoong may natanggap siyang imbitasyon upang sumali sa nabanggit na sangay ng Armed Forces of the Philippines.

“How about the invitation from the Philippine Air Force?” tanong ng babaeng fan ng aktor.

“Actually, ma’am, there was an invitation sent for me. And I’m really considering to be part of it. I’m just clearing things out with the management and siyempre it’s a way of being part of the people who are really concerned sa Pilipinas and I want to be part of it.,” sagot ni Alden.

“Inaayos na po ‘yan, don’t worry,” sabi pa niya.

Kung matutuloy si Alden sa pagsabak sa training sa military susundan niya ang mga yapak ng ilan pang local celebrities na military reservists na ngayon tulad nina Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Jasmine Curtis-Smith at Matteo Guidicelli. Si Fighting Senator Manny Pacquiao ay isa ring reservist ng Philippine Army na may ranggong full colonel.

Imahe mula sa Facebook account ni Alden Richards

Sa Instagram Live ay nagbigay si Alden ng mensahe ng pasasalamat sa mga sakripisyong ginagawa ng mga frontliners upang magligtas ng mga tao sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Siguro, kung wala ‘yung frontliners at the moment, COVID would have taken 50 to 60 percent of the world. So it’s really them. We should really owe them a great sense of gratitude. Sila talaga ‘yung saving grace natin dito. So, all the love support and prayers, our thoughts our love is really with you guys. Maraming-maraming salamat po. Makakayanan din natin ito,” aniya.

Ang kuya ni Alden ay isang nurse sa California, United States of America.

Imahe mula sa Facebook account ni Alden Richards

Loading…