Alinsunod sa utos ng Palasyo na gumawa ng sariling ID ang mga self-employed, netizen nagbigay ng ‘sample layout’

  • Gumawa ng layout ng ID para sa mga self-employed ang isang netizen na “magagamit” daw sa GCQ
  • Ilan sa mga ID na ginawa ay ang pang-Krusty Krabs, Sa Pus0 Mo, at Freelance Model
  • Ito ay alinsunod sa pahayag ni Harry Roque na gumawa na lang daw ng ID ang mga self-employed

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na kung umiiral ang quarantine protocols sa isang lugar, maaari na lang daw gumawa muna ng pansariling identification card o ID ang mga self-employed.

Isa kasing requirement upang makalabas sa panahon ng general community quarantine (GCQ) ay ang ID. At dahil ang mga self-employed ay karaniwang wala namang kompanya, sinabi ni Roque na gumawa na lang daw muna ng sariling ID ang mga ito.

Larawan mula sa Facebook post ni Jon Zamar

“Sa mga self-employed, puwede naman silang gumawa ng card nila at ipakita nila kung ano talaga ang gagawin nila at saang industriya iyon,” pahayag ni Roque sa isang online briefing.

At bilang pagtugon sa utos na ito ni Roque, isang netizen na malikot ang imahinasyon ang gumawa ng kanyang sariling layout para sa ID ng mga self-employed. In-upload ni Jon Zamar sa kanyang Facebook post ang larawan ng kanyang ginawang ID.

Hinango niya ang mga ID na ginawa niya sa sikat na “trabaho” ng mga netizen sa kanilang profile ang “Krusty Krab,” “Freelance Model,” at “Sa Pus0 Mo.” Maaari daw itong gamitin ng mga “self-employed” para daw “makalabas” ngayong GCQ.

“Hey guys our presidential spokesperson just implied you can create your own ids if you are self-employed, as help to those who might need it I made these. Use it if you want. You’re welcome!” pahayag ni Jon sa kanyang post.

Larawan mula sa Facebook post ni Jon Zamar

Dahil sa pagkamalikhaing ito ni Jon, agad na nag-trending sa social media ang mga layout ng ID. Wala pang isang araw na naka-upload ang mga larawan ay umabot na sa higit 7,200 reactions na karamihan ay ‘haha,’ at 11,000 shares.

Marami naman ang natuwa at nagpasalamat sa ideyang ito ni Jon. Ayon sa kanila, hindi na raw sila mahihirapan pang gumawa ng ID. Ipi-print na lang daw nila ang ibinigay ni Jon na layout at ready to go na raw sila ngayong ECQ.

Loading…