Aminin! Nakiisa ka rin ba noon sa pagbibigay ng lakas sa energy ball ni Son Goku sa Dragon Ball anime?

  • Isa sa mga pinakatinutukang anime noon ay ang Dragon Ball kung saan bida si Son Goku
  • At isa sa mga pinakamalakas niyang kapangyarihan ay ang energy ball kung saan kumukuha siya ng lakas mula sa iba
  • Ang mga batang manonood noon ay nagbibigay din ng lakas kay Goku sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay

Kung ang mga nasa wastong gulang ay apektado sa mga pinapanood nilang teleserye, ang mga kabataan naman noon ay talaga namang sumusubaybay sa mga anime o cartoons. Animo’y realidad para sa mga bata ang napapanood nilang pakikipagsapalaran ng mga tauhang pinapanood nila at dahil nadadala sa bawat eksena, may pagkakataong nakikiisa ang mga manonood sa ginagawa sa anime.

Ganito ang impact ni Son Goku at iba pang tauhan sa isa sa pinakasikat na anime sa mundo, maging sa Pilipinas na Dragon Ball. Sa dami ng kinaharap na kalaban ng bidang si Goku at kanyang mga anak, kinailangan din niya ng iba’t ibang technique upang matalo ang kalaban.

Larawan mula sa YouTube

At isa sa mga pinakasikat niyang panapos sa mga katunggali ay ang kanyang energy ball o spirit b0mb. Ito ay ang naipong enerhiya ni Goku mula sa mga tao sa kanyang paligid. Nanghihingi siya ng karagdagang enerhiya sa mga kakilala at tagasuporta upang mabuo ang isang malaking bola ng enerhiya.

Upang makapagbigay ng enerhiya, kailangang itaas ang kamay sa ere at dito lalabas ang kailangang lakas na maiipon ni Goku sa pamamagitan ng energy ball sa itaas ng kanyang kamay. At dahil apektado ang mga batang viewers noon, maging sila ay nakiisa kay Goku.

Kahit hindi naman mapapasama sa energy ball ni Goku, maraming batang Pinoy noon ang talaga namang todo taas din ng kamay para makapagbigay ng lakas kay Goku. Hangga’t hindi natatapos ang serye o hindi pa naibabato ni Goku ang energy ball, hindi rin bababa ang kamay ng mga batang viewers.

Sa isang post nga sa Facebook page na We Are 90’s, binalikan ng mga bata noon kung paano nila ‘tinulungan’ si Goku. Talaga namang career din sila sa pagtataas ng kamay para mas lumakas ang energy ball ni Goku.

Larawan mula sa Facebook

Ang iba naman, umaming hindi lang ang energy ball ni Goku ang ginagaya. Marami raw pagkakataon kapag naglalaro sila sa labas ay nais nilang maging Super Saiyan, o ang pag-iibang anyo ni Goku upang mas maging malakas.

Marami daw sa kanila ang iniipon ang kanilang enerhiya at itinataas ang buhok para maging isang Super Saiyan at kungwari ay makikipagtunggali rin sa mga kalaro. Kanya-kanya rin daw silang idolong tauhan sa Dragon Ball.

Panoorin ang video paghingi ng Goku ng enerhiya para sa kanyang energy ball:

Source :

YouTube, Facebook

Loading…