Andi Eigenmann, ibinahagi ang kaniyang ‘improved banana bread recipe’

  • Bukod sa surfing, nakatuon din ang pansin ni Andi Eigenmann sa pagluluto
  • Naging magandang pagkakataon umano ang community quarantine upang maperpekto ni Andi ang kaniyang banana bread recipe
  • Ibinahagi niya ito sa kaniyang Instagram account upang makapagbigay ng inspirasyon sa iba

Kontento at tila walang bakas ng pangamba si Andi Eigenmann sa kasalukuyang estado ng kaniyang pamumuhay sa Siargao kasama si Philmar Alipayo at ang kanilang anak na si Baby Lilo.

Sa kaniyang Instagram account, malimit mag-post si Andi tungkol sa kaniyang payak at masayang pamumuhay sa probinsya.

Imahe mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann

Isa sa mga pinagkaabalahan ng aktres ay ang pagpapakadalubhasa nito na maperpekto ang paggawa niya ng banana bread.

“Et voila! My new and improved banana bread recipe! Unlike the previous one, this isn’t plant based. I used ingredients that are already available, but that doesn’t make this any less healthy! I also baked this in an tiny toaster oven,” ayon sa Instagram post nito.

Ibinahagi rin ni Andi ang kaniyang healthy banana bread recipe: 2 mashed overripe bananas, 1 egg, 1 cup wheat flour (feel free to use all purpose), ¼ cup maple syrup, ½ tablespoon salt, 1 teaspoon baking soda, ¼ cup nonfat yogurt, at ¼ cup coconut oil.

Kailangan lamang na dahan-dahang paghalu-haluin ang mga sangkap sa isang lalagyan. Maaari ding maglagay ng mga karagdagang sangkap tulad ng dried cranberries, almonds, at walnut na magbibigay ng ibayong kalutungan sa tinapay.

“But that is totally optional! You can also add whatever if you wish, like some crushed dark chocolate,” paliwanag pa ni Andi.

Kapag okay na ang mga pinaghalo-halong sangkap, ilagay muna ito sa isang baking dish bago sa loob ng oven. Lutuin ito sa loob ng 30 hanggang 40 minuto na may init na 180°C.

Imahe mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann

“So proud of this one! This quarantine really has me stepping out of my (cooking) comfort zone using ingredients I don’t normally use, because resources here are limited. In result, I’ve been coming up with wholesome but more affordable recipes!” paliwanag pa ni Andi.

Binigyang-diin din ni Andi na nais niyang magbigay ng inspirasyon sa iba tungo sa isang “healthy balanced life.”

Source :

Instagram

Loading…