Angel Locsin nagbalik-tanaw sa kanilang sikat na tambalan ni Richard Gutierrez; fans ng tambalan, kinilig

  • Binalikan ni Angel Locsin ang kanilang tambalan ni Richard Gutierrez sa isang Instagram post
  • Paanyaya ito ni Angel na libre nang mapapanood sa YouTube ang isa sa Valentine’s movie nila
  • Marami namang mga fans nila ang kinilig at na-miss ang tambalang sikat na sikat noon

Nananatiling makinang ang bituin ng original Kapuso telefantasya queen at isang prime Kapamilya actress na ngayong si Angel Locsin. Maliban kasi sa matagumpay na proyekto sa telebisyon at pelikula, matunog din ang pangalan ni Angel dahil sa patuloy niyang pagtulong sa mga kababayan niyang nasasalanta ng iba’t ibang sakuna.

Pero kahit malayo na ang narating ni Angel, hindi niya nakalilimutang balikan ang kanyang pagsisimula sa showbiz. Kasabay kasi ng pagsikat ni Angel ay ang pagiging matunog din ng tambalan nila ng aktor na si Richard Gutierrez.

Larawan mula sa Instagram post ni Angel Locsin

Sabay lumipad ang kanilang career nang sila’y magtambal sa TV series na Mulawin noong 2004. Isa ito sa most watched TV show of all time at naging daan upang mas makilala ang talento sa pag-arte nina Angel at Richard.

Gayunman, kahit na naging matagumpay ang tambalan nila, hindi na muling nasundan ng TV show ang “ChardGel.” Pero halos taon-taon naman noon ay naging laman sila ng mga sinehan tuwing Valentine’s Day dahil sa mga pelikulang ginawa nila.

Isa sa mga pinakamalaking pelikulang ginawa nina Angel at Richard ay ang I Will Always L0ve You noong 2006 na kinuhanan pa ang ilang eksena sa United States. At ngayong 2020, nagbalik-tanaw si Angel sa proyektong ito nila ni Richard.

Sa isang Instagram post, inalala ni Angel ang pelikula nilang ito ni Richard kalakip ang isang larawan nila na magkasama. Isang paanyaya ito mula kay Angel at sa Regal Films na mapapanood na nang libre sa YouTube ang 2006 Valentine’s movie nila.

Larawan mula sa YouTube

Maraming kabataan noon na fans ng tambalang Angel at Richard ang kinilig sa post na ito ni Angel. Tanda pa raw nila noon kung paano sila pumila sa mga pelikula ng dalawang dating Kapuso icons tuwing Araw ng mga Pus0.

Maging ang maybahay ni Richard na si Sarah Lahbati ay napakomento sa post ni Angel. Ayon sa StarStruck alumna, kailangan na raw ng reunion movie ng ChardGel pagkatapos ng pandemic.

Loading…