Angel’s Burger, ipinasilip ang kanilang ‘new normal’ na operasyon bilang pag-iingat sa C0VID-19

  • Ibinahagi ng Angel’s Burger ang bago nilang proseso ng pagkuha at pagbibigay ng order sa mga customer sa kalagitnaan ng pandemic
  • Sa larawan na in-upload ng isang netizen, makikita na pinalibutan ng plastic ang stall ng Angel’s Burger bilang proteksiyon na rin sa virus o C0VID-19
  • Agad na nag-viral ang post at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens

Viral sa social media ang bagong mukha ng Angel’s Burger stall sa kanilang pagbabalik operasyon ngayong may pandemic.

Imahe mula kay Kim Alonzo | Facebook

Sa larawan na in-upload ng netizen na kinilalang si Kim Alozon sa Facebook noong May 1, makikita ang panibagong anyo ng booth kung saan inihahanda ang burger na siyang patok sa panlasa ng masa.

“Sharing our humble innovation. Kaunting tiis na lang mga suki,” sabi nito sa post.

Gayundin naman ang in-upload na litrato ng Angel’s Burger sa kanilang official Facebook page sa parehong araw.

Sa larawan, makikita na pinalibutan ang stall ng plastic ang stall bilang proteksiyon na rin sa virus o C0VID-19.

Agaw-pansin din sa maraming netizens ang dalawang maliit na slide o padulasan na nakakabit sa stall.

Ang mga iyon kasi ang gagamitin ng kanilang staff at mga customer para maipabot ang kanilang mga bayad at order na burger nang hindi nagkakaroon ng physical contact sa isa’t isa.

Ito na nga ang magiging “new normal” sa proseso ng pagtanggap at pag-abot ng order sa nasabing burger shop dulot na rin ng pag-iingat sa C0VID-19.

Marami naman ang nagpahayag ng kanilang pagkatuwa sa ginawang paghahanda ng Angel’s Burger. Ang ilan naman ay excited na sa muling pagbubukas ng burger shop sa iba’t ibang lugar.

I-click ang imahe para makita ang buong post

“Taray! May padulasan ng pera at pagkain sa angels!” ani SSY.

“Good idea pero dapat meron din sila nakaready na sanitizer sa tapat ng store nila,” ayon kay JVA.

I-click ang imahe para makita ang buong post

“Papadulasin ‘yung hotdog tas doon ka nakanganga sa dulo. Eco-friendly kasi no need na plastic. Pati drinks sa slide na rin ibubuhos. Nganganga ka na lang,” biro ni RV.

“Let’s appreciate the people doing the extra mile just to keep their employees and customer safe while still enjoying the products that they offer. Spread love not negativity,” payo naman ni AS.

Loading…