Anong uunahin mong isalba mula sa mga buwaya — dyowa o pera?

  • Kinatuwaan ng mga netizens ang isang graphic arts photo
  • Makikita kasi rito na pinapipili ang lalaki kung anong uunahin niyang isalba mula sa mga buwaya: girlfriend o 20 bilyong pera
  • Umani naman ito ng iba’t ibang sagot mula sa mga netizens

Hypothetical question: Anong uunahin mong iligtas mula sa panganib na malapa ng mga gutom na buwaya: dyowa o pera?

Iyan ang tanong na maaaring sagutin o hindi na makikit sa isang graphic arts photo na kumakalat sa mga social media platforms gaya ng Facebook at Twitter, na ibinahagi naman ng isang netizen na si “Yenoh Ecioj Acheche” sa kaniyang Facebook post. Nakalagay sa kaniyang caption, “Wag plastik boys ha yung totoo.”

Imahe mula sa Facebook

Makikita kasi sa graphic arts photo na parehong mahuhulog sa mga buwayang nakanganga ang girlfriend at pulang bag na naglalaman ng 20 milyon, na pinipigilang tuluyang dumausdos ng isang lalaking nakatuntong sa itaas. Nagiiwan ito ng tanong sa sinuman na “Oo nga no? Ano ang uunahin mong isalba sa mga ganitong pagkakataon, dyowa mo o pera mo?

At syempre, kaniya–kaniyang pabida naman ang mga netizens.

“Depends on how heavy she is, lets say she is about 63 pounds and I can carry 40 pounds, but if she manages to cling to the terrain then it would be easier to pull her up, a 1 million amount of money weighs about 22 pounds, if I can pull her out she could help me carry the money, its a win win we could get rich together” paliwanag ng isa.

Turan naman ng isa, “I’ll toss her back up together with the bag. Regardless of what she is when she’s mad, she has tantrums, when she’s stubborn etc.. with no hesitation, I’d take the fall. I’d still choose her to live our memories and be happy.”

“Syempre dyowa muna. Gagawa na lang kami ng maraming pera kapag naisalbo ko siya. Ooopppsss… wala nga pala akong dyowa haha, kaya yung pera na lang,” pabirong sabi naman ng isa.

Public Domain Image

Ikaw, anong uunahin mong isalba mula sa mga buwaya — dyowa o pera?

Loading…