Artist gumamit ng ‘pancit canton’ art para kay Liza Soberano

Imahe mula sa Instagram | Liza Soberano at Facebook | Kaisser Ganareal
  • Napahanga ang maraming netizens sa kakaibang obra ng artist na si Kaisser Ganareal
  • Ginamitan kasi niya ng instant noodles ang buhok ng aktres na si Liza Soberano dahil naubusan na siya ng lapis at hindi pa dumarating ang kaniyang order
  • Nagpasalamat naman siya sa lahat ng mga naka-appreciate sa resourceful niyang obra

Marami ang natakam sa obra ng artist na si Kaisser Ganareal na kinumpleto niya sa tulong ng instant noodles.

Imahe mula sa Facebook | Kaisser Ganareal

Sa kaniyang Facebook timeline ay ibinahagi ni Kaisser ang ginawa niyang portrait ng aktres na si Liza Soberano. Kakaiba ito dahil sa halip na lapis ay ginamitan niya ng Pancit Canton na may toyo ang buhok ng aktres.

“At dahil ubos na ang pencil ko na black para sa buhok, naisip ko na Pancit Canton na lang…Hindi pa kasi dumarating order ko sa Shopee,” paliwanag niya.

Marami ang humanga sa diskarte at resourcefulness ni Kaisser lalo na at bumagay pa ang noodles sa aktres na si Liza. “Ang ganda talaga ni Liza kahit pancit canton ang buhok,” komento ni Van C.

Imahe mula sa Instagram | Liza Soberano

“I appreciate your imaginative work, sir,” sabi naman ni F. Luis.

May mga nagsasabi rin na sayang ang noodles ngunit sinagot ni Kaisser ang isang komento na kinain niya rin naman ito.

Sa isang hiwalay na Facebook post ay nagpasalamat din siya sa lahat ng mga naka-appreciate sa kaniyang obra. “After five years of struggle, hard work, failure and self-doubt na feeling ko, wala na akong mararating sa art life, finally it just happened,” aniya. Sa ngayon ay may mahigit 7.5k reactions at 3.7k shares na ang kaniyang obra.

Paalala naman ng isang netizen, huwag magdalawang-isip ang mga artist na sumubok ng ibang paraan sa paglikha ng kanilang obra.

‘Ika nga “if it works, it is not stupid.”

Tingnan ang iba pang obra ni Kaisser dito.

Loading…