Asaran nina Luis Manzano at Alex Gonzaga, muling kinaaliwan ng netizens

Imahe mula sa Twitter | Amilia Clarize at Instagram | Alex Gonzaga
  • Muling naaliw ang netizens sa biruan ng magkaibigang Luis Manzano at Alex Gonzaga sa Twitter
  • Nagbahagi ang isang netizen ng larawan sa debut ni Alex na dinaluhan ni Luis kahit hindi siya imbitado
  • Kuwento ni Alex kahit nagtatanong siya noon kung bakit naroon si Luis ay nagpapasalamat siyang naging malapit na kaibigan niya ito ngayon

Dahil matagal nang magkaibigan ay hindi kaila na komportable na sa isa’t isa ang mga Kapamilya stars na sina Luis Manzano at Alex Gonzaga. Sa katunayan, madalas ngang mag-trend sa social media ang mga nakaaaliw na hirit nila sa isa’t isa.

Imahe mula sa Twitter | Amilia Clarize

Binanggit noon ni Luis sa isang panayam na kahit hindi siya imbitado ay pumunta siya sa debut ni Alex.

Kamakailan lamang ay may netizen na nakahanap ng larawan sa okasyong ito upang patunayan ang kuwento nila. “Diyan mismo! Sa gabing ‘yan, tinanong ako ni @Mscathygonzaga, ‘Oh, bakit ka nandito,'” sagot ni Luis sa nag-post ng larawan.

“Ito mismo yung moment na yun. Tanong ako nang tanong ‘bakit ka nandito?’ Even after the picture [was taken], inask kita ulit,” dagdag ni Alex.

Sa kaniyang sagot ay binilugan ni Luis ang isang table na walang tao. “Kita mo, isang table ang walang tao. Feeling ko yung isang table, lamay ang pinunta nila. Sana mag-thank you ka na dumagdag ako sa pax mo,” biro ni Luis.

Imahe mula sa Instagram | Alex Gonzaga

Paliwanag ni Alex noon sa isang panayam, masaya siya na matapos ang ilang taon ay naging mabuting magkaibigan sila at ang kanilang pagbibiruan ay parte nito.

“Yung biruan namin is just really part of our friendship pero we are really true friends and genuine talaga yung care niya sa akin,” sabi ni Alex. “I wasn’t blessed to have a brother so si Kuya Luis ang naibigay sa akin ni Lord. I am super happy na ‘yung frienship namin is beyond showbiz.”

Si Luis, sinabi namang si Alex ay isa sa kaniyang “favorite people on this planet.”

Loading…