Attendance photo ng isang guro kinaaliwan

Imahe mula sa Facebook | Kristhel Joy Managuelod
  • Naaliw ang netizens sa ibinahaging larawan ng isang guro nang manghingi ang mga kasamahan ng katunayan na nagtatrabaho sila sa gitna ng umiiral na quarantine
  • Naka-make up kasi ito at todo rin sa pag-OOTD
  • Biro ng netizens, tila pupunta sa Star Magic Ball ang tinaguriang ‘Model ng DepEd Forms’

Kinaaliwan ng netizens ang “attendance photo” na ipinadala ng isang guro habang gumagawa ng school forms.

Imahe mula sa Facebook | Kristhel Joy Managuelod

Ibinahagi ng gurong si Kristhel Joy Managuelod ang mensahe na natanggap mula sa mga kasamahan na nanghihingi ng mga larawan nila habang gumagawa ng forms.

“Good afternoon po, dear teachers. Mag-send po kayo ng pictures ninyo na nagpapatunay na gumagawa kayo ng school forms. ASAP po. Thank you,” sabi sa mensahe na natanggap ni Kristhel.

Agad naman siyang sumunod sa utos na ito. Nag-send siya ng larawan kung saan kuntodo postura at make up ang guro. Naka-project pa siya habang may hawak na forms sa harap ng laptop.

“Ganito po ba? Okay na po ba ‘to?” aniya sa kaniyang post.

Naaliw dito ang mga netizen na sinabing napangiti sila ng guro, kaya naman habang isinusulat ito ay may halos 40k reactions at 38k shares na ang kaniyang post.

Imahe mula sa Facebook | Kristhel Joy Managuelod

“Bongga si teacher,” sabi ni J.M. “Ay. Si ma’am. Graduation yata ang pupuntahan,” sabi naman ni R. Dimla. Dagdag naman ng isa pang netizen, tila sa Star Magic Ball pupunta si Ma’am Kristhel.

Samantala, sinabi naman ni J. Rivera na parang nahihiya na siyang magpasa ng larawan dahil masyadong ginalingan ng guro.

Biro naman ni Aileen G., “Mas kabog kapag naka-two piece. Summer ang peg.” Ngunit sagot ni Kristhel, baka hindi na siya papasukin sa paaralan kapag ginawa niya ito.

Tinawag naman ni Darriex D. na “Model ng DepEd Forms” ang guro. Sinamahan niya rin ito ng hashtags na GCQ Edition at Postura Kontra COVID-19.

Dahil sa umiiral na enhanced community quarantine at general community quarantine sa ilang bahagi ng bansa ay maraming empleyado ang sa bahay na lang muna ginagawa ang kanilang mga trabaho.

Source :

Facebook

Loading…