Babaeng nagmamay–ari ng quarantine pass sa Palawan, naging tapat sa kaniyang kasarian

  • Naging tapat ang isang babae mula sa Puerto Princesa sa Palawan
  • Inilagay niya ang tunay na kasarian sa home quarantine pass
  • Umani naman ito ng pagtanggap at positibong reaksyon at komento mula sa mga netizens

Sinasabing hindi masama ang pagiging tapat o totoo sa ating sarili, lalo na sa aspeto ng ating sexual orientation. Bagama’t bukas na ang isipan ng karamihan sa pagkakaroon ng iba’t ibang uri nito, hindi pa rin maiaalis na ang ilan ay hindi pa lubusang tinatanggap ang iba’t ibang mga pagkilos upang maisulong ang ilan sa kanilang mga hinihiling, gaya ng pagpapakasal, at marami pang iba.

Kaya naman, kinagiliwan ng mga netizens ang pagiging tapat ng isang babae sa Puerto Princesa sa Palawan matapos niyang aminin at isulat na siya ay “tomboy” sa detalyeng kasarian ng kaniyang home quarantine pass, batay sa ulat ng “The Palawan Star“. Siya ay si Melanie Reynoso Creador.

Imahe mula sa The Palawan Star / Public Domain Image

Si Creador ay residente ng Barangay Princesa, Puerto Princesa City sa Palawan na itinuturing na isa sa mga pinakamagagandang pasyalan o tourist attraction sa Pilipinas. Siya ay nasa 37 taong gulang na.

“Sa panahon ngayon kailangan maging honest tayo,” ayon kay Melanie.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“It’s not a big deal! I’m proud of you… at least your being honest na sinabi mo kung ano ka, you are not pretending. Enjoy and be happy!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Male or female formality, pero eh tomboy gusto niya ilagay. Wala na tayo magagawa… honesty is the best policy.”

“Naalala ko noong nag–fill up ako ng US documents, sa gender may 5 option na yata sila: male, female, gay, lesbian, at may undecided pa. At least malinaw hehehehe,” pahayag naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “We salute you! Hindi naman issue iyan. May ilang tao lang na sadyang makikitid ang utak at hanggang ngayon ay pinagpipilitan pa rin ang mga makaluma nilang pag–iisip. Maging masaya na lang tayo para sa tao, wala naman siyang tinatapakang kapwa.”

Public Domain Image

Wala namang masamang magpakatotoo, hindi ba? Wika nga, “honesty is the best policy.”

Loading…