Bacoor Cavite, idineklarang “Marching Band Capital of the Philippines”

  • Marching Band Capital of the Philippines na ang Bacoor, Cavite
  • Ayon ito sa Proklamasyon Blg. 939 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte
  • Nagbunyi naman ang mga taga–Bacoor, Cavite dahil dito

Opisyal nang idineklarang “Marching Band Capital of the Philippines” ang Bacoor, Cavite nitong Mayo 10, 2010 sa bisa ng proklamasyong nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte; bagay na ipinagbunyi naman ng mga residente ng naturang bayan.

Sa bisa ng Proklamasyon Blg. 939, itinuturing ngayon ang Bacoor, Cavite bilang “silangan” ng marching bands sa buong Pilipinas, kaya sila ang  “home of community marching bands” kabilang ang school-based drum and lyre corps.

Public Domain Image

Mahalaga umano ang mga marching bands sa pagpapahayag ng tradisyon at kultura ng isang bayan o bansa, ayon sa panulo. Ito kasi ang nagbibigay sa mga nakaugaliang pagdiriwang gaya ng pista. Kung wala ang mga marching bands, kulang ang pagiging magarbo ng isang pagdiriwang.

Saad sa proklamasyon, “The City of Bacoor is committed to sustain and preserve the the tradition and operations of marching bands all over the country, in collaboration with government units, government instrumentalities and the private sector.”

Dagdag pa, “Now, therefore, I, Rodrigo Roa Duterte, President of the Philippines, by virtue of the powers vested in me by the Constitution and existing laws, do hereby declare the City of Bacoor, Cavite, as the ‘Marching Band Capital of the Philippines.”

Kinikilala rin ng Estado ang gampanin ng marching bands sa paggunita sa mga makasaysayang pangyayari ng bansa, gaya ng Araw ng Kalayaan, lalo pa’t sa lalawigan ng Cavite ang naging lunduyan ng pagkakahayag nito, noong Hunyo 12, 1898, hudyat ng pagtatapos ng rebolusyon.

Batay sa Konstitusyon,  “The State must foster the preservation, enrichment and dynamic evolution of Filipino national culture based on the principle of unity and diversity a climate of free artistic and intellectual expression.”

Public Domain Image

Sa nakalipas na maraming taon, kilala ang Bacoor City sa pagdaraos ng mga taunang timpalak para sa marching bands bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang ng founding anniversary.

Loading…