Bagong portrait ng bayaning si Lapulapu, inilabas ng NHCP; mas matandang hitsura niya ipinakita

  • Naglabas ng bagong portrait ni Lapulapu ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
  • Ito ay ayon daw sa mas matandang paglalarawan kay Lapulapu nang magharap sila noon ni Ferdinand Magellan
  • Mas detalyado rin daw ito na ayon sa mga tala ng kasaysayan mula sa kasuotan, marka sa katawan, at iba pang kagamitan

Magdiriwang na ng ika-500 taong anibersaryo ang makasaysayang labanan sa Mactan, Cebu na pinangunahan ng bayaning si Lapulapu. Bilang paghahanda, nag-uumpisa na ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ng mga proyekto para sa gaganaping pagdiriwang nito sa susunod na taon.

Isa sa mga inilunsad ng NHCP ay ang ay bagong pintang portrait ni Lapulapu kung saan makikita ang mas detalyado niyang anyo. Likha raw ang nasabing portrait ng artist mula sa Bulacan na si Carlo Caacbay kung saan iniayon ang magiging kinalabasan sa mga bagong ulat tungkol sa edad at hitsura ng sinaunang bayaning Pilipino.

Larawan mula sa NHCP

Makikita sa bagong obra ang malaking pagkakaiba sa mga naunang pagbibigay anyo kay Lapulapu. Ayon sa NHCP, ibinatay daw nila sa salaysay sa mga nakasaad sa aklat na Ferdinand Magellan: The Armada de Maluco and the European Discovery of the Philippines na si Lapulapu raw ay matanda na noong magharap sila ni Magellan.

Mas kita rin sa bagong portrait ni Lapulapu ang mga tatto0 niya na hinango naman sa ilustrasyon ng mga sinaunang Pilipino sa Visayas batay sa 1590 Boxer Codex. Ayon sa NHCP, ang mga markang ito sa katawan ay sumisimbolo rin sa mga karanasan ng isang mandirigma at hindi lamang dekorasyon.

Hawak din ni Lapulapu sa kanyang mas malinaw na portrait ang isa sa mga pinakamabisang armas noong unang panahon na ‘kampilan.’ May mga gintong burloloy din si Lapulapu bilang indikasyon na isa siyang dug0ng bughaw.

Nagbibigay palamuti rin sa portrait ni Lapulapu ang makasaysayang baybayin ng Mactan kung saan naganap ang labanan noong Abril 27 1521. Marami din ang pumupuri sa portrait dahil inaakala nilang isa itong larawan dahil sa istilo ng pagkakapinta.

Larawan mula sa Wikipedia

Kinomisyon ng NHCP ang pagguhit sa makabagong larawan ni Lapulapu bilang bahagi ng kanilang Memorandum Circular No. 25, s. 2017 kung saan ipinag-uutos na mag-display ng larawan o portrait ng mga historical figures sa mga pampublikong paaralan at tanggapan ng pamahalaan.

Matatandaang isa si Lapulapu sa mga bayaning madalas isulong ni Pangulong Rodrigo Duterte. Noong 2018, sa isang talumpati para sa Araw ng mga Bayani, sinabi ng Pangulo na nakalilimutan na ng marami ang kadakilaan ng bayani ng Mactan.

Source :

NHCP, Interaksyon

Loading…