Bahay ni ‘Miss Everything’ kabilang sa nasira ng Bagyong Ambo

Imahe mula sa Facebook | Ericka Camata
  • Kabilang ang tahanan ng Internet sensation na si Miss Everything sa mga nakaranas ng hagupit ng Bagyong Ambo
  • Sa isang Facebook post ay ibinahagi niya ang larawan ng kanilang tahanan na sira na ang bubong
  • Sa kabila nito ay naghatid pa rin ng good vibes si Miss Everything sa pamamagitan ng pagbabahagi ng TikTok video sa taas ng kanilang bahay

Isa ang bahay ng social media sensation na si Ericka Maribojoc Camata o “Miss Everything” sa mga nasira ng hagupit ng Bagyong Ambo sa Calbayog, Eastern Samar ngunit sa kabila nito ay pinili niyang patuloy na magbigay ng good vibes sa netizens.

Imahe mula sa Facebook | Ericka Camata

Sa kaniyang Facebook page ay ibinahagi ni Miss Everything ang larawan ng kanilang bahay na makikitang natuklap at nilipad na ang bubong. “Our home. We are safe. No worrying, everyone,” aniya sa post na ngayon ay may mahigit 40k reactions na.

Sa hiwalay na post ay nagawa pa niyang magbahagi ng TikTok video sa kanilang bahay. “No mattering what always strong. Keep safe everything,” saad niya sa caption.

Dahil sa katatagang ipinakita ay napahanga ni Miss Everything ang kaniyang followers. “Life will always have its ups and downs but you have an indomitable courage. You will rise above the storm; your pain will raise your game. Sending you the biggest hugs, Miss Everything,” sabi ng kaniyang tagahanga.

Imahe mula sa Facebook | Ericka Camata

Ang ilan, ginamit pa ang kaniyang mga sikat na linya pang patatagin ang kaniyang loob. “Laban lang, Miss Ericka! Huwag mawawalan ng pag-asa dahil you are a functional, optimistic, dangerosity, kind person,” sabi ni R. Daton.

May ilan namang nagsimula ng fundraising para kay Miss Everything. “It’s our time to make her happy. Even little amount will do,” komento ni Helen S.

“‘Pag may nasira, may mas malaking blessing na paparating, trust me. May the Lord God bless you as soon as possible,” sabi naman ni G. Dela Cruz.

Loading…