Balik-aral sa TLE: Netizen nagbahagi kung paano kompyutin ang bill sa Meralco

  • Marami ngayon ang nag-aalala sa mataas na bayarin sa kuryente
  • Dulot kasi ng COVID-19, nagkapatong-patong na ang buwanang bayaran sa Meralco
  • Upang maunawaan kung paano nakokompyut ang buwanang konsumo ng kuryente, isang netizen ang nagbahagi ng kaniyang kaalaman na natutunan pa niya sa isang aralin noon sa TLE

Hindi man direktang epekto ng COVID-19, maituturing pa rin na ang malaking bayarin sa kuryente ngayon ay bunga ng virus dahil nagkapatong-patong na ang buwanang singil ng Meralco.

Gayunman, marami ring netizen ang hindi makapaniwala sa ibayong pagtaas ng kanilang babayaran. May mga nagsasabi pa na mali ang naging reading sa kanilang metro.

Mga imahe mula sa Facebook post ni Norman Anthony Naval

Dahil dito, isang netizen ang nagbahagi ng kaniyang natutunan noon sa aralin sa TLE subject sa kung paano kompyutin ang bill sa kuryente.

“Hi, guys. Ganito po computation ng kuryente. Inaral po namin ito sa LNA noong high school sa TLE sa gabay ni Mr. Geronimo,” pambungad na post ng netizen na si Norman Anthony Naval.

Narito ang mga hakbang sa pagkompyut batay sa post ni Naval:

Step 1: Kailangang kompyutin muna ang ang halaga sa piso ng kilowatt per hour (kWh) batay sa previous bill. I-divide lamang ang halagang mula sa inyong “current amount” sa total kWh kilowatt per hour na inyong nakonsumo. Makikita ang mga ito sa Meralco bill.

Step 2: Kailangang tingnan ang current reading sa inyong electric meter at isulat ito sa isang papel.

Step 3: Isulat naman sa papel ang inyong present reading. “Pres Rdg” ang pagkakasulat nito sa Meralco bill.

Step 4: Ibawas ang present metric reading (mula sa Step 3) sa current metric reading (mula sa Step 2) upang makuha ang total kWh.

Imahe mula sa Facebook post ni Norman Anthony Naval

Step 5: I-multiply lamang ang total kWh (mula sa Step 4) at ang halaga kada kWh (mula sa Step 1) para makuha ang kabuoang halaga na inyong babayaran sa isang buwang konsumo.

May follow-up Facebook post din si Naval ukol dito kung saan matiyaga siyang gumawa ng video upang higit na mapaunawa at mapasundan sa mga netizen ang mga hakbang sa pagkompyut.

Ang payak na post na ito ni Naval ay may malaking tulong sa mga nais makatiyak kung tama ang singil sa kanila ng Meralco.

Loading…