Barangay officials na pinaghati-hati ang cash aid na para sa isang pamilya posibleng makulong

  • Mga barangay officials na naghati-hati ng cash aid na para sa isang pamilya upang mas maraming pamilya ang mabigyan ng ayuda ay posibleng sampahan ng kaso
  • Posibleng makulong o masuspinde ang mga naturang opisyal, ayon sa DILG
  • Ang paghahati-hati ng cash aid ay isang paglabag sa Republic Act 11469 or “The Bayanihan to Heal as One Act

Nagbabala ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga barangay officials na naghati-hati ng cash aid na para sa isang pamilya upang mas maraming pamilya ang mabigyan ng ayuda ay posibleng sampahan ng kaso.

Imahe mula sa MSN

Ang warning ng DILG ay kasunod ng mga reklamong natanggap ng ahensya na ang ilang barangay officials ay hinati-hati ang emergency cash subsidy na ipinamamahagi sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) upang makapagpamahagi sila ng mas maliit na halaga sa mas maraming pamilya.

Ipinaliwanag ni DILG Undersecretary at Spokesman na si Jonathan Malaya na ipinagbabawal sa batas ang ginawa ng mga naturang opisyal ng barangay.

Kung totoo man po ang mga reports na ‘yan na hinati nga ang ayuda para sa mga pamilya, ‘yan po ay pinagbabawal sa batas at pwede po silang masuspinde at makulong pa kung ginawa talaga nila,sabi ni Usec. Jonathan sa Laging Handa press briefing noong Sabado, ika-2 ng Mayo.

Ang paghahati-hati ng cash aid ay isa umanong paglabag sa Republic Act 11469 or “The Bayanihan to Heal as One Act, kung saan nakasaad ang distribusyon ng ayuda sa 18 million low-income families na itinuturing na “most vulnerable” sa COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa PNA

Hinikayat ni Usec. Malaya ang publiko na agad ipagbigay-alam sa DILG ang mga opisyal ng barangay na gumagawa ng ganito.

“Kung meron po kayong ebidensya na ang inyong kapitan o ang iyong local government official ay ‘yan nga ginawa, ipadala n’yo po kaagad-agad sa DILG,” aniya.

Sinabi pa niya na ang paghahati-hati ng cash aid ay hindi tamang solusyon upang mabigyan ng ayuda ang mas maraming pamilya.

Aniya, bukod sa naunang 18 million vulnerable families, magdadagdag pa ng limang milyong pamilya ang pamahalaaan sa listahan ng bibigyan ng cash aid sa ilalim ng SAP.

Barangay Kagawad sa Hagonoy, Bulacan kinukuha ang kalahati ng cash aid/Screenshot mula sa YouTube video ng TVP
Source :

Inquirer, MSN

Loading…