“Bawal ang COVID-19 Jokes” ordinance ipinatutupad sa Valenzuela

  • Ipinagbabawal na sa Valenzuela City ang COVID-19 jokes
  • Bawal ang paggamit ng COVID-19 sa katatawanan katulad ng pagpapanggap o pag-aakusa sa kaninuman ng pagiging positibo sa sakit na ito nang wala namang katotonhanan
  • Multang P5,000 at community service ang ipapataw sa mga lalabag

Aprubado na ng Valenzuela City government ang Ordinance No. 708 series of 2020 o ang “Bawal Ang COVID-19 Jokes” ordinance na magpapataw ng parusa sa sinumang magpapakalat ng mali at malisyosong impormasyon tungkol sa COVID-19.

Imahe mula sa Valenzuela City

Ang kopya ng ordinansa, na pinirmahan ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, ay naipadala na sa media noon pang ika-14 ng Mayo.

“Sa bisa ng ordinansang ito, ipinagbabawal ang paggamit ng COVID-19 sa katatawanan katulad ng pagpapanggap o pag-aakusa sa kaninuman ng pagiging positibo sa sakit na ito nang wala namang katotonhanan,” saad sa Facebook post ng Valenzuela City government.

Sakop din ng nasabing ordinansa ang paggamit ng COVID-19 bilang joke sa mga usapan, mapa-personal man, liham, telepono, email, social media, at kahit na ano, ayon pa rin sa nasabing post.

May multang limang libong piso sa mga lalabag sa ordinansa o kaya naman ay community service tulad ng pagtulong sa pagre-repack at pamamahagi ng relief goods o anumang uri ng community service na ipagagawa ng alkalde at iba pang kinatawan ng siyudad.

Posible ring makulong nang hindi hihigit sa buwan ang mga violators ng ordinansa.

Imahe mula sa Valenzuela City

Ang mga menor de edad o edad disi-syete pababa na mahuhuling lalabag ay kailangang sumailalim sa Intervention Program ng City Social Welfare and Development Office. Kung sakaling hindi sumunod ang menor de edad sa Intervention Program, pananagutin ang kanilang mga magulang sa ilalim ng Code of Parental responsibility.

 

Loading…