“Bawal Lumabas” pasok agad sa Top 50 ng iTunes PH; Kim nagpaalalang huwag sumuko

  • Kantang “Bawal Lumabas” ni Kim Chiu gumawa ng kasaysayan sa iTunes
  • Ito ang kauna-unahang OPM na nakapasok sa iTunes Top 50 sa araw ng release nito
  • Kim: “Looking back, ang sarap nang pagtawanan at nasabi mo sa sarili mo. Salamat hindi ka sumuko”

Tuluyan na ngang napagtagumpayan ni Kim Chiu ang masalimuot na karanasan sa kamay ng mga mapanghusga sa social media at nakagawa pa ng isang kanta na patok sa masa.

Pagbabahagi ng aktres sa Facebook, ang “Bawal Lumabas (The Classroom Song)” ay gumawa din ng kasaysayan bilang natatanging OPM na nakapasok agad sa iTunes Top 50 sa araw ng release nito.

Image by Kim Chiu via Facebook

Pakiusap niya sa mga tagahanga, sana’y patuloy na suportahan ang kanyang kanta na mapakikinggan din sa Apple Music, Spotify, YouTube, Deezer at Amazon.

Binigyan naman siya ng papuri ng mga fans. Sabi ng isa, “Ang galing mo pala Kim. May instant OPM ka na. Ikaw lang ang nagka-album sa panahon ng COVID.”

Komento naman ng isa, “I love how she turned all the negativity into a positive one. Keep it real, Kim. Kudos!”

Sabi ni Kim, hindi niya inakalang magiging kanta ang nasabi niya noon at napagtanto na bawa’t araw ay learning experience, katulad ng lyrics ng kanyang kanta na “Ang buhay ay parang isang malaking silid-aralan.”

Dagdag nito, ang napili niyang cover picture kung saan nakapikit siya habang nakahiga sa kama ay nagpapaalang piliing tumayo sa bawat pagbagsak.

Pagpapaliwanag ng aktres, may ups and downs ang buhay at hindi basehan kung gaano kadali o kahirap ito kundi kung papaano natin paghuhusayan ang paglalakbay.

Image by Kim Chiu via Instagram

“It just shows that we are all the same; we make mistakes; we are human, and as a Filipino, tinatawanan lang din natin ang pagkakamali natin lalo na pag nalampasan mo na ang problema at alam mo sa sarili mo na wala kang inapakang tao.

“Looking back, ang sarap nang pagtawanan at nasabi mo sa sarili mo. Salamat hindi ka sumuko,” ani Kim.

Image via chinitaprincess’ Instagram account

Loading…