BB Gandanghari kay Robin Padilla: Tigilan natin ang pagpapa-gwapo at my expense

Imahe mula sa YouTube | BB Gandanghari at PEP
  • Pinakiusapan ni BB Gandanghari si Robin Padilla na tigilan na ang pagpapa-pogi
  • Ito ay matapos sabihin ni Robin na mahal nila si BB at huwag nang magtampo
  • Ibinahagi kasi ni BB na hindi man lang siya nakatanggap ng tawag mula sa kaniyang pamilya nang kumalat ang balitang yumao na siya

Hinimok ni BB Gandanghari ang kapatid na si Robin Padilla na tigilan na ang “pagpapa-pogi” para sa public image.

Imahe mula sa Instagram | BB Gandanghari

Matatandaang ikinuwento noon ni BB sa isang vlog na sa gitna ng kumalat na fake news na yumao na siya ay hindi man lang siya nakatanggap ng tawag mula sa kaniyang pamilya.

Paliwanag ni Robin, marami lang kinaharap na pagsubok ang kanilang pamilya ngayong taon. “BB, tigilan mo na ‘yang katatampo. Mahal ka namin. Marami lang nangyari sa pamilya natin noong pumasok ang 2020.”

Ani Robin, nagkaroon siya ng matinding injury sa likod; dahilan upang manatili siya sa ospital sa loob ng isang buwan. Ang kanilang ina naman ay nadulas at bedridden sa loob ng dalawang buwan.

Sagot ni BB, hindi naman siya nagtatampo dahil matapos niyang ilabas ang kaniyang saloobin ay nag-move on na siya.

“Tigilan natin ang pagpapa-guwapo o pagpapabango at my expense. Love is the most abused word. So kung love ang pag-uusapan at ganiyang klaseng pagmamahal ang sinasabi at pinararamdam ninyo sa akin, then maybe this needs a conversation,” aniya.

Imahe mula sa Instagram | Robin Padilla

Ikinalungkot niya rin na hindi man lang siya nasabihan na nadulas pala ang kanilang ina.

“Nadulas pala si Mama, wala pa ring makatatawag. Magkasama kayo the whole time,” sabi ni BB. “In other words, if I am not in your hearts, that’s fine. So let us not impress people. Kasi that’s the right thing for you to do for imaging purposes. ‘Naku, kailangan mabait tayo kay BB.’ Ako yung nagsasabi ‘wag nating lituhin ang tao.”

Dagdag pa ni BB, tinatrabaho niya ngayon ang kaniyang emotional quotient.

“Sa mga bibig mo na rin nanggaling, Robin Padilla, aking nakababatang kapatid, baka nakalilimutan mo. ‘Yan ang klase ng pagmamahal na sinabi ko na I think I deserve more. Ito rin ‘yun pinanggagalingan ko na sinabi ko na kung sa pag-ibig gagawin mo akong door mat, thank you na lang.”

Source :

YouTube, YouTube

Loading…