“Buhay na buhay ang mga imahe”: Painting na parang litrato sa ganda, bahagi ng online exhibit para makatulong sa frontliners

  • Painting na mukhang litratong kuha ng de-kalidad na kamera, umani ng papuri
  • Bahagi ito ng online exhibit para matulungan ang mga frontliners
  • Sabi ng isang netizen, “Parang totoong picture, buhay na buhay ang mga imahe”

Humahakot ng atensyon sa social media ang dalawang painting dahil sa husay ng pagkakagawa nito, na sa unang tingin ay aakalain mong isang litrato na kuha ng de-kalidad na kamera.

Image by Grandier Gil Bella via Facebook

Pagbabahagi ni Grandier Gil Bella sa Facebook, ang mga painting ay bahagi ng “Handog Lingkod Fundraising Online Exhibit” kung saan 90% ng pondong malilikom ay maibibigay sa mga frontliners na siyang naglilingkod sa bayan sa panahon ng pandemya.

Proyekto ito ng UP Alumni Association at Filipino Portrait Artists Guild, kung saan kalihim si Bella.

Komento ng isang netizen, “Looks like real photos. Amazing. God bless you and may your talent give more to help our frontliners.”

Sabi naman ng isa, “Parang totoong picture, buhay na buhay ang mga imahe. Sana makaabot ito sa ibang bansa, ang husay ng talento ng artist na gumawa nito.”

Makikita sa unang larawan na pinangalanang “Treinta y Siete, Kabayan” ang isang guwardiyang kumukuha ng temperatura. Ang 17×24 pulgada na guhit ni Bella ay gawa sa pastel sa papel.

Samantala, motoristang nagpapagasolina naman ang pangalawa na may pangalang “#stopover”. Mayroon itong sukat na 17×24 pulgada at gawa sa pastel on UART 600.

Sabi ni Bella, “Through our creative talents, this is the least we can do in honoring the men and women who have pledged their sworn duty to serve our community in these trying times.”

Image by Grandier Gil Bella via Facebook

Nagpahayag siya ng pasasalamat sa mga artists na nagbahagi ng kanilang talento sa gitna ng COVID-19 pandemic para matulungan ang ating mga kababayan.

Sa kabuuan, mayroong 24 na artworks ang naka-display sa kanilang online exhibit; tatagal ito hanggang May 31, 2020,

Makikita ang kanilang mga gawa sa website na ito.

Image by Grandier Gil Bella via Facebook

Loading…