Bunga ng pagsisikap: Pinay professor na laki sa hirap, pinarangalan ng Oklahoma Medal for Excellence

  • Isang Pinay na mula sa hirap ang kinilala ng isang unibersidad na kinabibilangan niya sa Amerika
  • Nakamit ni Dr. Edralin Lucas ang Oklahoma Medal of Excellence mula sa Oklahoma State Univeristy
  • Ayon sa propesor, ang mga pagsub0k na dinanas niya ang naging rason niya sa pagsusumikap upang maging matagumpay

Mithiin ng bawat manggagawa na masuklian ang lahat ng kanilang sakripisyo at pag0d. Anumang posisyon, anumang trabaho, iisa ang mithiin ng mga nagbubuhos ng panahon at husay—ang magbunga ng maganda at maging inspirasyon sa iba.

Patunay nito ang isang Pinay professor sa Oklahoma na kinilala ang galing at pagiging matiyaga. Sa isang artikulong inilabas ng Oklahoma State University (OSU), ipinakilala nila sa mundo ang kanilang Oklahoma Medal of Excellence awardee na si Dr. Edralin Lucas.

Larawan mula sa OSU

Isang nutritional sciences professor si Dr. Lucas sa OSU. Nakuha niya ang parangal matapos maging nominado sa pinili ng OSU Regents Distinguished Teaching Award. Siya ang nag-uwi ng parangal dahil sa pinakitang husay sa pagtuturo ng kanyang kurso mula sa entry-level human nutrition hanggang sa graduate-level macronutrients.

Maliban dito, kinilala rin ng unibersidad ang pagiging mabuting propesor ni Dr. Lucas sa kanyang mga estudyante. Maunawain daw ito at ipinakikita sa kanyang mga mag-aaral ang kahalagahan ng hard work at pagpapakita ng kahusayan sa anumang ginagawa.

Inihayag naman ni Dr. Lucas na laki sa Pilipinas ang dahilan ng kanyang pagsisikap at pagiging mabuting guro.

Ayon sa kanya, ang dinanas daw nilang hirap ng buhay noon ang isa sa kanyang naging motibasyon upang magsumikap. Naniniwala raw siya na kung magiging masipag ang bawat isa, walang masasayang na oras at mauuwi lahat sa pag-unlad.

“I grew up in the Philippines, and we were p0or. So I’m used to working hard. I don’t want to be wasting my students’ time, and I try to live what I’m preaching. I tell them, ‘If I tell you to work hard, I want you to expect me to work hard, too,’” salaysay ng guro.

Larawan mula sa YouTube

Nasa 30 taon na raw nagtuturo si Dr. Lucas at kahit na nakapagtapos na ang mga mag-aaral niya ay may komunikasyon pa siya sa mga ito. Ganito raw kamahal ng mga naging mag-aaral niya si Dr. Lucas at tinutumbasan din naman ito ng guro. Itinatabi raw ni Dr, Lucas ang mga natatanggap niyang liham ng pasasalamat.

Maging ang mga kapuwa guro at propesor ni Dr. Lucas ay bilib sa kanyang husay. Mahusay daw na researcher ang Pinoy professor at isang mabuting tao kahit sa labas ng kanilang unibersidad.

Loading…