katakam-takam: Bungang mangga na nakabalat na habang nasa puno, trending sa social media

  • Trending sa social media ang tila pag-a-adjust ng mga mangga sa mga gustong pumitas sa kanila
  • Sa larawan kasi, makikitang kahit nasa puno pa ang mga bunga ay nakabalat na ang mga ito
  • Good vibes naman ang hatid nito sa mga netizen na may kanya-kanyang reaction sa post

Bored na bored na talaga ang marami ngayong umiiral pa rin ang quarantine sa buong bansa. Bagaman puwede nang lumabas ang iba, may ilan pa ring pinipiling manatili sa loob ng bahay dahil nariyan pa rin ang pandemya sa bansa.

Iba-iba ang paraan ng mga Pilipino para gastahin ang kanilang oras sa loob ng bahay. May iba na abala sa pagti-TikTok, ang ilan naman ay sumusubok ng iba’t ibang recipe. Pero ang iba, umuubos ng oras sa paggawa ng memes at pag-edit ng larawan.

Larawan mula sa Facebook post ni Rambert Cuanan Pascual

Mukhang ganito ang kas0 ni Rambert Cuanan Pascual dahil ang mga bungang mangga ang napag-tripan niya ngayon. In-upload niya sa kanyang Facebook account ang mga larawan ng mangga na nasa puno. Pero ang kakaiba ay nakabalat na ang mga ito.

“Day 55 of ECQ. Mangga: Kami na mag-adjust, kainin n’yo na kami,” pahayag ni Rambert sa kanyang trending post.

Kitang-kita sa post ang mga nakatatakam na mangga na pahinog na rin. Manilaw-nilaw na rin kasi ang bunga kaya naman kahit edited lamang ang larawan, gugustuhin mo talagang kumain ng mangga lalo na ngayong walang magawa sa bahay.

Dahil sa pagkamalikhaing ito ni Rambert, tumabo ng maraming reactions ang post. Umabot na sa higit 8,000 reaction na karamihan ay ‘haha’ at 25,000 shares ang post sa loob ng dalawang araw na pagkaka-upload sa Facebook.

Larawan mula sa Facebook post ni Rambert Cuanan Pascual

Kanya-kanya namang opinyon ang mga netizen tungkol sa larawan. Sabi nila, bagay daw sa kanila ang nakabalat na mangga dahil tamad raw silang magtalop ng mga ito, pero gusto nilang kumain. Ang ilan naman, ayaw na itong kainin dahil nilangaw na raw ito.

Sabi naman ng ilan, hihingi raw sila ng buto ng “bagong breed” ng manggang ito na nakabalat na. Mas okay daw ito dahil kakainin na lang at no hassel sa mga nagke-crave.

Loading…