Butas na biglang lumitaw matapos umulan, sinkhole o tunnel?

  • Palaisipan ngayon sa mga residente ng Indang, Cavite ang biglang paglitaw ng isang malaking butas sa kalsada
  • Sinasabing lumabas ang naturang butas matapos umulan nang malakas, kaya naman ayon sa iba ay isa itong sinkhole
  • Mayroon din namang haka-haka na ang butas daw na nabuo ay hindi isang sinkhole kundi isa sa mga nawawalang tunnel na nabuo noon pang panahon ng mga Kastila

Palaisipan ngayon sa mga residente ng Indang, Cavite ang biglang paglitaw ng isang malaking butas sa kalsada na may lalim umano na labindalawang talampakan. Ayon sa nag-post ng larawan na si Loyd Credito ay bigla na lamang daw lumabas nag malawak at malalim na butas na ito na matatagpuan sa Indang Transport Terminal at malapit sa may simbahan.

Sinasabing lumabas ang naturang butas matapos umulan nang malakas, kaya naman ayon sa iba ay isa itong sinkhole.

Ayon naman sa isang artikulo ng Philippine Star, karamihan sa mga sinkholes ay “dahil sa malakihan at malawa­kang paghigop ng tubig sa ilalim ng lupa para sa deep wells ng mga malls at skyscrapers. Dahil nauubos ang tubig sa ilalim na nagdadala ng lupa, lumulundo ang mga bato at nabubutas ang itaas.”

Imahe mula sa Facebook| Loyd Credito

Isa pang maaaring dahilan ay ang pagtayo ng isang gusali sa malambot na lupa. Dahil sa mabigat na puwersa sa kinatatayuan ng gusali ay naitutulak nito ang lupa paunti-unti na siyang nagiging dahilan ng pagkakaroon ng sinkhole.

Samantala, mayroon din namang haka-haka na ang butas daw na nabuo ay hindi isang sinkhole kundi isang tunnel na karugtong umano ng tunnel sa may simbahan. Sa isang komento ay sinasabing baka daw ito ang nawawalang karugtong na tunnel na binuo noon pang panahon ng mga Kastila.

Imahe mula sa Facebook| Loyd Credito

Ayon naman sa isang nag-comment sa post, “If walang ibang entry point at may natural or man-made drainage na may damage malapit sa ilalim, erosion ang humukay nyan. Kung wala, di nacompact na ayos or may naiwang hollow diyan…Alam naman ng lahat na dating palengke yang area na yan.”

Pero ano nga kaya ang malaking butas na ito? Ito nga kaya ay isa sa mga nawawalang tunnel noong panahon ng mga Kastila? O Isang sinkhole na dulot ng paglambot ng lupa?

Sa kasalukuyan ay wala pa ring malinaw na kasagutan sa kung ano nga ba ang malaking butas na iyon kung kaya naman mas mainam pa rin na mag-ingat at hanggang maaari ay iwasang lumapit sa butas na iyon.

Loading…