Cebu City at Mandaue City mananatili pa rin sa ilalim ng ECQ

  • Mananatili sa ECQ ang Cebu City at Mandaue City hanggang sa ika-31 ng Mayo
  • Nagpasalamat sa IATF si Cebu City Mayor Edgardo Labella da desisyon na panatilihin ang ECQ sa Cebu City
  • Noong May 12, 2020 ay hiniling ng mga mayor ng Cebu City, Mandaue City at Lapu-Lapu City na panatilihin ang ECQ habang hindi natatapos ang kanilang mass testing

Noong ika-12 ng Mayo ay inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang Metro Manila, Laguna at Cebu City ay ilalagay na sa modified enhanced community quarantine (MECQ) mula May 16 hanggang May 31 kung saan ilang piling industriya ay maaari nang magbukas at ang mga manggagawa ay maaari nang makapag-trabahong muli.

Imahe mula sa PCOO

Subalit, sa Resolution No. 37 na inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, ang Cebu City ay muling inilagay sa mas mahigpit na ECQ. Kasama na ring inilagay sa ECQ ang Mandaue City.

Samantala, limang lugar na dapat ay isasailalim na sa mas maluwag na general community quarantine (GCQ) ay isinailalim sa MECQ kasama ng Metro Manila at Laguna. Kabilang dito ang Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Zambales at Angeles City.

Paliwanag ng IATF, ang mga pagbabago na nakapaloob sa Resolution No. 37 ay ginawa noong Biyernes, ika-15 ng Mayo, matapos ang ginawang validation ng Sub-Technical Working Group on Data Analytics at ang ginawang konsiderasyon sa mga apela ng ilang local government units.

Kaugnay nito ay nagpasalamat sa IATF si Cebu City Mayor Edgardo Labella da desisyon na panatilihin ang pagpapairal ng ECQ sa Cebu City.

Cebu CIty Mayor Edgardo Labella/Imahe mula sa Cebu City Government

“The city greatly appreciated the grant of our request considering we’re continuing our database on community testing, and whose results to be used on what measures to adopt and actions to be taken,” pahayag ng alkalde.

Matatandaang noong Martes,ika-12 ng Mayo, ay naglabas ng joint statement ang mga alkalde ng Cebu City, Mandaue City at Lapu-Lapu City na humihiling sa IATF na manatili sila sa ECQ habang hindi pa natatapos ang kanilang mass testing.

Loading…