CHED ‘di muna tatanggap ng bagong iskolar, limitado ang badyet dahil sa COVID-19

  • Tigil muna ang CHED Merit Scholarship Program ngayong taon
  • Pero tuloy ang pagbabalik matrikula at miscellaneous fees sa SUCs, at programang SLP at TES
  • Tuloy din ang benepisyo sa mga dati nang iskolar

Hindi muna tatanggap ng mga bagong iskolar ang Commission on Higher Education (CHED) sa ilalim ng CHED Merit Scholarship Program (CSMP) nito ngayong taon.

Imahe mula sa PTV News

Pangunahing basehan sa CSMP ang mataas na grado ng bata noong nag-aaral sa sekundarya. Kabilang sa makukuha mula dito ang perang pang-matrikula, at pambayad sa miscellaneous fee at iba pang gastusin sa pag-aaral.

Sabi ni CHED Chairperson Prospero de Vera III, sinuspinde ito upang makatugon at makatulong sa mga hakbangin ng pamahalaan na may kinalaman sa COVID-19 pandemic at mabigyan ng prayoridad ang mga iskolar na talagang kailangan ng pera kaysa sa merit-based scholarships.

Aniya, “We are giving out a notice that we will not be able to give merit scholarship for this school year.

“Ang mapopondohan namin doon sa natitirang pera ay iyong continuing lang kasi kung tatanggap kami ng bago tapos hindi mabibigyan ‘yong continuing, mas kawawa sila.”

Nilinaw ni de Vera na magpapatuloy pa rin ang pagsasauli ng perang nagugol ng mga estudyante sa matrikula at miscellaneous fees sa mga state universities and colleges (SUCs), Tertiary Education Subsidy (TES) at Student Loan Program (SLP) dahil sa nananatili parin ang pondo para rito.

Dagdag niya, patuloy na makatatanggap ng benepisyo ang mga dati nang iskolar.

“With the available funding, we can only cover existing scholars to ensure their continuous education during these difficult times.

Image by Prof Popoy De Vera via Facebook

“This temporary suspension is intended to financially support national programs for financially vulnerable families affected by the COVID-19 pandemic,” De Vera said.

Ang desisyong ito ng CHED ay naaayon sa National Budget Circular No. 590 na inilabas kamakailan na nag-aatas sa mga ahensya ng pamahalaan na maghigpit ng sinturon habang nakikibaka ang bansa sa COVID-19.

Imahe mula sa Pinoy Warrior

Loading…