Choi Ji-woo ng Endless Love at Stairway to Heaven, first time mom at 44 years old

  • Ganap nang isang ina ang Korean actress na si Choi Ji-woo na napanood sa Endless Love at Stairway to Heaven
  • Marami ang natuwa at nagulat dahil 44 anyos na ang aktres ngunit nakapagsilang pa rin ito ng isang baby girl
  • Kahit daw mommy na, magbabalik pa rin si Choi sa pag-arte na huling napanood sa Crash Landing On You

Para sa mga tito at tita of Asianovelas, hindi maaaring malimot ang aktres na si Choi Ji-woo na nakilala sa iba’t ibang roles niya sa mga Korean drama. Una siyang napamahal sa mga Pilipino nang gumanap bilang Janice sa Endless L0ve: Winter Sonata, at bilang Jodi sa Stairway to Heaven.

At ang popular na Korean actress ay muling gumawa ng ingay ngayong linggo nang mapabalitang siya’y nagsilang ng panganay niyang anak sa edad na 44. Dalawang taon matapos ikasal sa isang non-showbiz guy, nagbunga na ang pagmamahalan ng dalawa at isa nang ganap na ina ang aktres na nakilala bilang si Jodi.

Larawan mula sa Instagram post ng YG Entertainment

Sa isang Instagram post ng talent management firm na humahawak sa career ni Choi Ji-Woo, masaya nilang inanunsiyo ang pagsilang nito ng kanyang anak na babae. Malusog naman daw ang baby at ang aktres.

“Choi gave birth to a daughter this morning,” pahayag ng post ng YG Entertainment na umani agad ng halos 11,000 likes at maraming komento mula sa mga fans sa iba’t ibang sulok ng mundo.

Masaya naman ang fans ng Korean star sa pagiging mommy nito kahit medyo late na para sa kanyang edad. Ngayon daw ay matatagpuan na ni Choi sa bagong buong pamilya ang tunay niyang Endless L0ve.

Huwag naman daw mag-alala ang mga fans dahil matapos daw ang ilang buwan, babalik din si Choi sa pag-arte at patuloy na gagawa ng mga proyekto. Ayon sa statement ng YG, pagsasabayin daw ng aktres ang kanyang role bilang isang artista, asawa, at nanay.

Larawan mula sa YouTube

Ikinasal si Choi sa isang non-showbiz guy noong March 2018. Tago ang identity ng asawa at limitado lamang ang impormasyon na mayroon tungkol dito. Ngunit isa sa mga nabalita ay mas bata raw ito ng hanggang walong taon kaysa sa aktres.

Huling napanood ng fans si Choi sa hit Korean drama na Crash Landing On You nang gumawa ito ng cameo role.

Loading…