Class valedictorian ng PMA at PNPA niregaluhan ni Pres. Duterte ng house and lot

  • House and lot ang iniregalo ni Pangulong Duterte sa class valedictorians ng PMA at PNPA
  • Nagkakahalaga ng P2 million ang house and lot mula sa Vista Land na pag-aari ni Manny Villar
  • Pistola naman ang regalo ng Pangulo sa class goats

Sa ikatlong sunud-sunod na taon, muling nagbigay si Pangulog Rodrigo Duterte ng house and lot para sa class valedictorian ng Philippine Military Academy (PMA) at Philippine National Police Academy (PNPA). Pistola naman ang regalo niya sa “class goat.”

Imahe mula sa PCOO

Nagbigay ang Pangulo ng kanyang mensahe sa mga nagsipagtapos na kadete ng PMA Masidlawin Class of 2020 at PNPA Mandayug Class of 2020 sa pamamagitan ng isang teleconferencing video noong Biyernes, ika-22 ng Mayo, kasabay ng graduation ceremonies na ginawang pribado dahil sa umiiral na COVID-19 outbreak.

Ang tumanggap ng house and lot package na nagkakahalaga ng P2 million mula sa Vista Land na pag-aari ni Manny Villar ay sina Cadet First Class Gemalyn Deocares Sugui ng PMA at Cadet First Class Lei Anne Palermo ng PNPA.

“The certificate of ownership of house and lot for the class valedictorian, a house and lot, P2 million from the Vista Land company of Manny Villar. These are the beneficiaries of the house and lot. So puro babae,” sabi ni Pangulong Duterte.

“’Yung boyfriend na katabi mo, senyasan mo na hindi sila pwede pumasok ng bahay na lasing, nagloloko, nagbabae, this will be — sabihin mo — akin ito at huwag kang palaboy-laboy diyan,” birong mensahe pa ng Pangulo sa dalawang class valedictorians.

Imahe mula sa PNPA/PMA

Nakatanggap naman ng caliber 45 pistol mula sa Rock Island Armory ang class goats o ang mga kadeteng nagsipagtapos na nakakuha ng pinakamababang grado.

Ang class goats ng PMA at PNPA ay itinututing na simbolo ng perseverance dahil nagawa nilang makapagtapos sa kabila ng hirap na dinanas para makaagapay sa kanilang mga kaklase.

Matapos saluduhan ang mga nagsipagtapos, idinagdag ng Pangulo sa huli ng kanyang talumpati ang pagbati niya sa class goats – “Goat, I salute you also.”

Loading…