Combo ng masisipag: Dalawang pulis na nakasakay sa kalabaw habang nagpapatrolya, kinaaliwan ng mga netizens

  • Trending sa social media ang larawan ng dalawang pulis na nakasakay sa kalabaw
  • Hindi alam ang dahilan kung bakit sa kalabaw sumakay ang dalawa ngunit natuwa naman ang maraming netizens dito
  • Kamakailan din ay may napabalitang lalaking dumaan sa checkpoint sakay ng kanyang kalabaw

Mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino ang mga kalabaw. Katuwang kasi ito ng mga magsasaka sa pagtatanim sa bukid at bilang isang agrikultural na bansa, maaasahang alaga ang mga kalabaw upang mapagaan kahit papaano ang trabaho sa pagtatanim.

Pero ngayong panahon ng enhanced community quarantine (ECQ), nagkaroon ng ibang pakinabang ang mga kalabaw lalo na sa ilang nagpapatupad ng batas.

Trending ngayon sa social media ang larawang in-upload ni Jake Sky sa kanyang Facebook account.

Larawan mula sa Facebook post ni Jake Sky

Sa larawan, makikita ang dalawang pulis na nagpapatrolya, hindi gamit ang motor o p0lice mobile, kung hindi sakay-sakay ng dalawang kalabaw. Hindi batid ang dahilan kung bakit sa kalabaw kinailangang sumakay ng dalawang opsiyal, ngunit kinatuwaan naman ng netizens ang magiging mapamaraan ng dalawa.

Ayon sa post ni Jake Sky, ang dalawang pulis daw ang patunay na totoo ang isang awit ng reggae icon na si Bob Marley na ‘Buffalo S0ldiers.” Sabi naman ng ilang netizens, lalo raw naging astig tignan ang mga opisyal na nakasakay sa kalabaw.

Habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon nang 3,700 reactions na karamihan ay ‘l0ve,’ 200 comments, at halos 10,000 shares ang nasabing post. Ikinumpara naman ng ilan ang diskarteng ito ng mga opisyal sa sinaunang panahon.

Pahayag ng ilan, mabisang paraan daw ito upang makapagtipid ng gasolina sa panahong ito. At sinabi nilang sa mga lalawigan ay patuloy pa ring ginagamit ang mga kalabaw at iba pang hayop bilang kanilang transportasyon.

Larawan mula sa Facebook post ni James Homer Fragata

Hindi ito ang unang pagkakataong naiulat ang pagsakay ng isang Pilipino sa kalabaw sa panahon ng ECQ. Kamakailan, trending rin sa social media ang isang lalaking dumaan sa isang checkpoint sakay ng isang kalabaw.

Wala raw nagawa ang mga nagbabantay sa checkpoint kung hindi padaanin na lamang ang lalaki dahil hindi naman daw kasama ang mga kalabaw at hayop sa ipinagbabawal na transportasyong ngayong may ECQ.

Source :

Facebook, DF News

Loading…