Concerned citizen sa Bulacan, namahagi ng gatas at diapers at mga gamit–pambata

  • Namahagi ng tulong ang isang concerned netizen sa City of San Jose Del Monte, Bulacan
  • Ito ay mga gatas, diapers, at ilang mga gamit ng bata 
  • Umani ito ng papuri mula sa mga netizens at mga kababayan

Ang pamamahagi ng biyaya sa kapwa, lalong–lalo na sa panahon ng matinding pangangailangan, ay isang malaking pagpapala. Sa anyo man ito ng pera, pagkain, damit, grocery items, improvised medical gears, at kahit sa simpleng pagbibigay ng exemption sa pagbabayad ng renta, utility bills, o utang, lahat ng ito ay malaking bagay na.

Sa Barangay Tungkong Mangga sa City of San Jose Del Monte, Bulacan, isang concerned citizen na nagngangalang “Doten Zepol” ang nagsagawa ng pamamahagi ng gatas, diaper at iba pang gamit–pambata, para sa mga bata sa kanilang lugar.

Ang naturang proyekto ay tinawag niyang “Gatas ng Pag–asa, Baby for a Cause.”Ibinahagi ito sa Facebook page na “Balitang SJDM.”

Imahe mula sa Facebook page na Balitang SJDM

Ang naturang concerned citizen ay empleyado sa isang governtment hospital. Aminado siyang ramdam niya ang hirap na dinaranas ngayon ng mga kalugar niya, lalo na ang mga nanay, dahil sa tigil–trabaho ng marami kaugnay ng ECQ.

“Ramdam ko ang hirap ng mga parents dito na walang mga work ngayon kaya naisip ko ang mga babies nila,” aniya sa panayam.

Dahil na rin sa marami ang natigil sa pagtatrabaho at may kamahalan ang mga gamit ng bata gaya ng gatas at diapers, ito ang naisipang ipamahagi ng concerned netizen, na kilalang aktibo sa kanilang subdivision. Nanawagan siya ng donasyon at tulong sa iba pang mga kalugar na may sapat na pera at may puso sa pagtulong sa kapwa upang maisakatuparan ang proyektong ito.

Umani naman ito ng magaganda at positibong komento mula sa mga netizens.

“Nagpapasalamat po kami sa kabutihan ng inyong kalooban na bigyan ng gatas, diapers, at iba pang mga gamit ang ating kabataan. Sana lang po lahat ay mapagbigyan. Salamat po!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Wow… kailangan nga nating bigyan ng gatas ang mga bata, lalo na ang mga sanggol na hindi makadede… kudos po sa inyo! Ipagpatuloy lamang po ninyo ang pamamahagi ng inyong biyaya. Babalik din po sa inyo ang mga biyaya; siksik, liglig, at umaapaw!”

“Sana po makarating din sa iba pang part ng San Jose Del Monte ang tulong ninyo… marami rin pong nangangailangan sa ibang mga barangay. Kawawa naman po sila. Kawawa ang mga bata,” pagbabahagi naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook page na Balitang SJDM

Samantala, hindi naman nagkulang sa pamimigay ng ayudang relief packs ang mayor ng San Jose Del Monte City na si Mayor Arthur Robes, gayundin ang gobernador ng Bulacan na si Governor Daniel Fernando.

Loading…