Dagdag na buwis sa digital services gaya ng Netflix, Lazada, Facebook ads, nais isulong ni Albay Rep. Salceda

  • Nais isulong ni Albay Rep. Joey Salceda ang dagdag na singil ng buwis sa digital services tulad ng Netflix, Lazada, at Facebook ads
  • Ayon kay Salceda, gagamitin ang makokolekta mula sa mga ito upang tugunan ang P120 bilyon na nawalang kita ng gobyerno kapag binawasan na ng 25% ang corporate income tax ng mga kompanya dulot ng COVID-19
  • Ipinaliwanag rin niya sa Inquirer kung ano ang tingin niyang nararapat na magiging bagong singil sa tax ng mga naturang digital services platforms

Nais patawan ng dagdag na buwis ni House ways and means committee chair at Albay Representative Joey Salceda ang mga napapabilang sa digital services tulad ng Netflix, Lazada, at Facebook ads.

Imahe mula sa Pixabay

Sa ulat ng Inquirer, sinabi umano ng mambabatas na magagamit ang makokolekta mula rito upang tugunan ang P120 bilyon na nawalang kita ng gobyerno sa oras na bawasan na ng 25% ang corporate income tax ng mga kompanya dulot ng COVID-19.

Ipinaliwanag rin niya kung ano ang magiging bagong singil sa tax ng mga naturang digital services platforms kung sakaling maaprubahan ito.

Tinawag rin niyang “Netflix tax,” “Lazada tax,” at “Facebook ads tax” ang mga ito.

Mula sa 5% na kasalukuyang standard tax na singil ng pamahalaan sa Netflix, iminumungkahi ni Salceda na gawing 12% ang buwis para online streaming website.

Sa “Lazada tax,” sinabi ni Salceda na 50% lamang ng mga sellers sa online shopping platforms gaya ng Lazada, Amazon, at Shopee ang nagbabayad ng value added tax. Dahil dito, iminungkahi ni niya na gawing witholding tax agent ang mga online platform ng kanilang mga supplier.

Sa ilalim naman “Facebook ads,” nais ni Salcedana  gawin ang mga digital advertisement sa pamamagitan ng kinatawan sa bansa ng Facebook at Google.

Imahe mula sa PNA file photo

“The big money is in finding a way to tax the advertising on Facebook and Google,” aniya.

Nakaayon umano ito sa proposed model ni 2018 Nobel Prize in Economics winner Paul Romer, kung saan nakadepende ang ipapataw na buwis sa makukuha ng kompaniya mula sa pag-display ng advertisements.

Loading…