Dakpin at kasuhan: Mga OFWs na tumakas mula sa quarantine facilities pinahahanap ng DFA

  • Walong OFWs ang tumakas mula sa quarantine facilities
  • Ang isa sa kanila ay nagpositibo sa COVID-19
  • Pinahahanap at pinadarakip ni DFA Sec. Teddy Locsin ang mga tumakas na OFWs

Ipinadarakip ni Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin ang walong overseas Filipino workers (OFWs) na tumakas mula sa quarantine facilities na nasa ilalim ng superbisyon ng Philippine Coast Guard bago pa man lumabas ang resulta ng kanilang COVID-19 tests.

Imahe mula sa PHilippine Coast Guard

“Arrest them, contact trace, and test everyone they got in contact with,” post ni Sec. Locsin sa Twitter.

Ayon sa spokesman ng Philippine Coast Guard na si Commodore Armand Balilo, positibo ang resulta ng COVID-19 test ng ilan sa mga OFWs na tumakas.

“May mga nakatakas diyan sa mga hotel na iyan at ang masama nito, lumabas ang resulta na positive sila. Ngayon nandoon sila sa bahay nila, nakahalubilo ang pamilya, iyong community,” ani Balilo.

Mahaharap umano sa kasong paglabag sa quarantine protocols ang mga tumakas dahil inilagay nila sa peligro ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang pamilya at komunidad.

Nitong Lunes, ika-18 ng Mayo, ang isa sa mga tumakas na OFWs ay natagpuan na at muling ibinalik sa quarantine facility sa Pasay City.

Screenshot ng tweet ni DFA Sec. Teddy Locsin

Sabi ni Balilo, ang 49-year-old na OFW ay natagpuan sa tahanan nito sa Quezon City. Ang mga kaanak niya at iba pang taong nakasalamuha ay inilagay na sa isolation at na-testing na rin.

Ayon sa Philippine Coast Guard, sasampahan ng kasong paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act ang OFW sa oras na gumaling na ito sa OVID-19.

Nanawagan ang Coast Guard sa mga OFWs at pamilya nila ng kooperasyon at pang-unawa sa mahigpit na quarantine protocols na ipinatutupad para sa mga OWs na umuwi ng bansa.

Imahe mula sa PHilippine Coast Guard

“We know how much you want to be with your family. We know how hard it is to not be with them during this crisis but we need your cooperation to make this measure work,” sabi ni Balilo.

Ang mga OFWs na nagbabalik sa bansa ay required na sumailalim sa 14 days quarantine bago payagang makauwi sa pamilya.

Loading…