Dapat all: Tito Sotto, sinabing dapat ding panagutin ang mga taga-gobyernong lumalabag sa quarantine protocol

  • Idiniin ni Senate President Tito Sotto na dapat ding maparusahan ang mga taga-gobyerno na lumalabag sa quarantine protocol
  • Sinabi niya ring hindi magandang ehemplo ang ginawang party para kay NCRPO chief Debold Sinas na trending sa social media ngayon
  • Ganito rin ang sinabi ni dating PNP Chief Panfilo Lacson dahil hindi raw ito magandang halimbawa sa publiko

Trending ngayon sa social media ang mga larawan ng “mañanita” ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief na si Debold Sinas dahil sa diumano’y paglabag sa quarantine protocol. Sa mga larawang laganap sa social media, makikitang tila magarbo ang party para sa kaarawan ni Sinas at nalabag ang ilang protocol ng quarantine na social distancing at liqu0r ban.

Bagama’t nagpaliwanag na ang Philippine National Police (PNP) at mismong si Sinas na wala raw silang nilabag na anumang protocol at huwad raw ang mga larawang lumalabas, iba naman ang pananaw dito ni Senate President Tito Sotto.

Larawan mula sa PNA

Sabi ni Sotto sa isang pahayag, dapat daw na maparusahan din ang mga opisyal ng pamahalaan na lalabag sa anumang quarantine protocol, katulad ng mga normal na mamamayang nadadakip ng mga kinauukulan dahil sa kanilang mga paglabag.

“Kung ang mga pangkaraniwang mamamayan natin ay sinisita natin at pinagsasabihan natin kapag ito’y nagva-violate, dapat tayong mga opisyales din ay sisistahin kapag nagva-violate,” saad ni Sotto.

Idiniin din ni Sotto na hindi rin magandang ehemplo ang ginawang pagtitipon para sa kaarawan ni Sinas. Kahit ano raw ang paliwanag, hindi raw talaga maganda ang pag-party kahit sandali lang ginawa lalo na kung hindi nasunod ang physical distancing.

“Hindi maganda, kung totoong party. Hindi maganda at hindi tama. Kung hindi naman party… Ito raw ay may mga nag-mañanita, siguro sandali lang ‘yun but then again if social distancing is not practiced, hindi mabuti iyon. It does not give a good example to our countrymen” paliwanag ni Sotto.

Larawan mula sa NCRPO FB Page

Sinabi rin ni Sotto na maaaring magsampa ng kaukulang reklamo ang PNP kung mayroong paglabag ang kanilang mga kawani. Hindi rin gusto ni Senador Panfilo Lacson, dating PNP chief, ang ginawa ni Sinas. Mali raw ito at hindi magandang halimbawa lalo na’t sila ang nagpapatupad ng quarantine rules sa madla.

Para naman kay Senador Kiko Pangilinan, hindi sapat ang paghingi ng paumanhin ni Sinas. Una nang ipinahayag ng PNP na iniimbestigahan na nila ang nangyari.

Source :

GMA News, Remate

Loading…