Dating naghihikahos na law student, ibinahagi kung bakit hindi siya pabor sa online classes

Imahe mula sa Facebook | Jc Custodio
  • Hindi pabor ang isang netizen sa pagsasagawa ng online classes habang hindi pa puwede ang physical classes
  • Siya mismo ay naranasan kung gaano kahirap mag-aral kung walang sariling gamit tulad ng laptop at wifi connection
  • Dagdag niya, kahit anong sipag at determinado mo, kung hindi patas ang laban ay matatalo ka

Kung ang dating naghihikahos na law student ang tatanungin, hindi siya pabor na magsagawa ng online classes habang hindi pa puwede ang physical classes bilang pag-iingat sa COVID-19.

Imahe mula sa Facebook | Jc Custodio

Aniya, siya mismo ay naranasan kung gaano kahirap kapag wala kang sariling gamit sa pag-aaral.

Sa ngayon ay trending na ang post ni Jc Custodio, ibinahagi niyang habang nag-aaral ng Law ay wala siyang pambili ng textbook o laptop. Nagtatrabaho rin siya noon upang may maipangtustos sa kaniyang pag-aaral.

Dagdag niya, 5 a.m. pa lamang ay gising na siya para sa conventual mass at pagsapit ng 7 a.m., dapat ay nasa library na siya upang siya ang unang makakuha ng kailangan niyang libro.

“Kailangan kong isulat ang mga lessons sa notebook dahil ayoko ring magbayad ng penalty sa library kung iuuwi ko ang mga libro,” aniya.

Nagtitiyaga rin daw siyang gumawa ng mga proyekto sa isang computer shop sa Mendiola. “Mahirap pero masaya dahil nakapag-aaral ka. Sa awa ng Diyos, pumasa naman sa lahat. ‘Di ko afford umulit ng subjects dahil mahal ang tuition,” dagdag niya.

Imahe mula sa Facebook | Jc Custodio

Napagtanto niya raw na kung nangyari ang pandemya noong mga panahong nag-aaral siya ay baka wala siyang naipasang subject.

“Ito po ang dahilan kaya hindi ako pabor sa online class. Maraming estudyante ang mas mahirap pa ang dinaranas ngayon kaysa sa dinanas ko,” paliwanag niya.

“Kahit anong sipag at determinado mo, kung hindi patas ang laban, matatalo ka. Ang masakit, hindi mo kasalanan. Unfair, ‘di ba?”

Maraming mga estudyante ang hindi pabor sa pagsasagawa ng online classes. Minsan na ring nag-trend ang post ng isang mag-aaral na may laptop man ay hirap mag-send ng requirements dahil sa signal kaya naman kinailangan pa niyang umakyat ng bundok.

Loading…