“Dear Self” ng isang netizen na napapanahon, nagdulot ng inspirasyon

  • Isang “Dear Self” ang nagbunsod ng inspirasyon sa lahat, lalo na sa mga frontliners
  • Umiikot ito sa paniniwala at pagtitiwala sa sariling kakayahan sa kabila ng mga alinlangan
  • Napapanahon daw ito para sa mga healthcare workers

Sa panahon ngayon ng takot, pangamba, at kawalang–katiyakan, malaking bagay na ang makabasa ng mga salitang makapagpapaangat ng morale ng mga tao, lalo na para sa mga healthcare workers na walang kapaguran sa pakikipaglaban kontra COVID–19.

Isang “Dear Self” na isinulat ng di–nakilalang netizen noong Agosto 1, 2019 ang muling ibinabahagi ngayon sa social media upang magbigay ng inspirasyon sa lahat, lalo na sa mga frontliners na pinaghihinaan ng loob dahil sa patuloy na paglobo ng mga taong may kumpirmadong kaso ng COVID–19, at bilang din ng mga namamatay rito. Makikita ito sa Facebook page na “Rant”. Mababanaag na ang larawan ay mula sa ibang bansa.

Imahe mula sa Facebook page na Rant

Nakalagay sa “Dear Self” ang mensaheng “I know you’ve been doubting your progress, regretting your choices, putting yourself down. Please remember that you are just doing fine. Remind yourself right now that no matter what it looks like, you are doing the best you can. Always encourage, support, and believe in yourself!”

Natuwa naman ang mga netizens dahil napapanahon daw ang naturang note to self na nagbigay ng inspirasyon, lalo na sa mga healthcare workers at iba pang mga frontliners.

“Thank you, this is really a great help. Para po sa aming mga frontliners na madalas ay nakakaramdam ng panghihina ng kalooban, malaking bagay po ang ganitong mga mensahe para sa amin,” reaksyon ng isang frontliner.

Saad naman ng isa, “Wow… very timely naman ang mensaheng ito para sa ating mga frontliners. Huwag po kayong panghinaan ng loob. Narito lamang po kami para umagapay sa inyo!”

“This is really relevant sa panahon ngayon. Minsan, mataanong mo na lamang sa sarili mo kung worth it ba at tama ba ang desisyon mong pasukin ang isang field, na nakararanas ngayon ng challenges. Pero at the end of the day, nawawala ang mga agam–agam kapag may gumagaling na pasyente at nagpapasalamat. Priceless!” bulalas naman ng isang healthcare worker.

Public Domain Image

Muli, tandaan natin: Always encourage, support, and believe in yourself!

Loading…