“Depiction of Life in 2022” ng isang Italian newspaper na nalathala noong 1962 tila nagkakatotoo na

  • Usap–usapan ng mga netizens ang isang lumang ilustrasyon noong 1962 mula sa isang Italian weekly newspaper
  • May pamagat itong “A Depiction of Life in 2022″ na ayon sa mga netizens ay tila nangyayari at mangyayari talaga
  • Ipinapakita sa imahe ang mga taong nakasakay sa sariling motorized pods na tila kotse, na kung titingnan, ay parang akto ng social distancing

Naniniwala ka ba sa hula? Eh sa premonition?

Ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang “Joseph Nikko Garcia” sa kaniyang Facebook post, na kinuha naman niya sa artikulong nailathala sa “Nation and State” na nagtatampok sa isang lumang larawang may pamagat na “A Depiction of Life in 2020″ na unang inilathala ng isang Italian weekly newspaper noong 1962.

Public Domain Image

Ang naturang imahe ay iginuhit umano ng isang Italian comics artist at illustrator na si Walter Molino. Ipinapakita niya sa kaniyang iginuhit na imahe ang mga taong nakasakay sa sariling motorized pods na tila kotse. Ito ang nagsilbing front page para sa 1962 edition ng “La Domenica del Corriere,”  ang Italian weekly newspaper na nasa sirkulasyon mula taong 1899 hanggang 1989.

Ayon naman sa artikulo ng “International Business Times,” ginamit umano ang naturang imahe upang ipakita at itampok ang four-wheeled single-passenger vehicles na “Singoletta,” na maaari umanong magamit upang maiwasan ang urban traffic sa hinaharap.

Maaari umanong “nahulaan” ni Molino na magiging doble o mabigat ang traffic sa mga metro cities kaya niya nabuo ang nasabing ilustrasyon. At tamang–tama namang nangyari ang pandemya ng COVID19 sa katapusan ng 2019 at pumasok sa 2020, at mukhang tatagal pa hangga’t hindi pa nasusumpungan ang lunas para dito.

Sinasabi rin na ang naturang senaryo sa ilustrasyon ay maaari o posibleng maging totoo, lalo pa’t humaharap na ang mga bansa sa buong daigdig sa tinatawag na “New Normal”. Kaakibat ng Bagong Normal na ito ang pagkakaroon ng social o physical distancing, mawala man o magpatuloy ang pananalasa ng coronavirus.

Public Domain Image

Sa Pilipinas, kaniya–kaniyang paraan ang mga drayber ng mga pampublikong sasakyan gaya ng jeepney kung paano mapapanatili ang social distancing sa loob ng kanilang mga sasakyan. May ilang naglagay na ng mga plastic dividers  sa pagitan ng upuan ng mga pasahero upang mabilang at makasunod sa itinakdang bilang lamang ng mga pasahero sa loob nito.

Anong masasabi mo tungkol dito? Sa palagay mo ba, ito ay premonition ng mga mangyayari sa 2022?

Loading…